O Swerte, Lumapit Ka!

Topak!Topak #13: Tada! Ito ang unang “Topak” para sa taong 2008! At ikalabing-tatlong episode pa ito. Malas o swerte? Hehe. Depende sa tao yan! Pero ako kasi noon swerte sa akin ang numerong 13.

Anyway, medyo in season naman ang titulo ng post na ito dahil kakatapos lang ng unang araw ng bagong taon. Siyempre, dahil bagong taon, usong-uso ang sangkatutak na pampaswerte. Isa ako sa mga naniniwala na dapat malinis ang bahay sa pagsapit ng bagong taon. Kaya bubg December 31 ay nagsipag ako na linisin ang mga parte ng bahay na bihirang linisin. Sayang nga lang at hindi kinaya ng powers ko na linisin ang buong bahay. Yung kusina at banyo lang ang naatupag ko. Pero yung kuwarto ko, ayun, di ko man lang natuunan ng pansin. Kaya nilagyan ko na lang ng 12 barya ang bintana ko. Actually, hindi sa bintana dahil medyo tinotopak ang bintana ko at minsan ay sumasara na lang siya bigla. Baka hindi ko pa makuha ang mga barya ko pag nagkaganun. Hehe. Kaya inilagay ko na lang sa cabinet na malapit sa bintana.

Nagsuot din ako ng stripes. Sabi nila para daw maraming perang bills ang dumating sa yo sa buong taon. Pag polka dots daw kasi ay puro barya lang. Haha. Mabuti na lang at marami-rami na akong naipong damit na stripes. Dati kasi wala akong masuot kapag bagong taon. Kulang na lang ay gumupit ako ng mga bilog gamit ang art paper, at idikit sa aking kamiseta.

Nakaugalian ko na din ang mag-ingay pagdating ng alas dose ng hatinggabi. Dati ay nagpapaputok kami. Pero isang beses ay dumikit ang watusi sa kamay ng kapatid ko. Mabuti na lang at walang nangyaring masama. Mula noon, hindi na kami nagpapaputok tuwing bagong taon. Medyo natakot na din ako sa paputok. Kaya nag-iingay na lang ako. Sasamahan ko pa ng talon para tumangkad naman ako. Napagiiwanan na kasi ako ng mga kaibigan ko sa height. Haha. Pero in fairness, medyo tumangkad yata ako nung nakaraang taon. Wala lang. Pansin ko lang. Hehe. O baka feeling ko lang? Siyempre, di rin mawawala ang mga bilog na prutas na sobrang nagtaasan ang presyo dahil sa bagong taon. Tsk tsk tsk.

Pero ika nga ni Zenaida Seva (tama ba ang ispelling?!?), “Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang po sila. Meron tayong free will, kaya, gamitin natin ito. Now, let’s go back to Julius, and Tin-Tin”. Haha. Sumobra na. Seriously, para sa akin, wala naman talagang masama kung maniniwala tayo sa mga ganyang bagay. Pero wag nating hayaang doon na lang tayo dumepende. Siyempre, si Lord lang naman talaga ang nakakaalam ng lahat. Ang mahalaga, eh mas naniniwala tayo sa kanyang kakayahan.

So paano mga peepz? Nawa’y maging maswerte ang taong 2008 para sa ating lahat!

What Can I Give You This Christmas?

rh_tpk.jpgTopak #12. Disyembre nanaman! Malapit na ang Pasko kaya uso nanaman ang mga kris kringle o monito monita. Haha. Naalala ko yung unang beses akong sumabak sa kris kringle. Bata pa ako noon. Kaya super laking problema talaga sa akin kung paano ako makakabili ng regalo. Grade 2 yata ako noon. Sampung piso lang kada araw ang baon ko. Sa pamilya lang naman namin yung Kris Kringle. Actually, hindi pala ako ang kawawa. Ang kawawa yung nabunot ko. LOL. Joke lang. Pero mabuti naman at nairaos ko yun.

Ang mga sumunod na experience ko ay panay exchange gifts na lang tuwing Christmas party. Last year naman, first Christmas ko na may trabaho na ako. Pero wala namang ganun dun sa office ko last year.

Nakakaaliw ang mga themes ng Kris Kringle. Kasama na dyan ang mga usong usong something soft, something edible, something long, something hard, etc. Noong Sabado, sinamahan namin ang isang kaibigan namin kasi naghahanap siya ng pwedeng pang Kris Kringle. Ang theme, “something that will describe yourself”. Aba, medyo mahirap yata yun noh. Hehe. Pero kung ako yun, eh bibili ako ng manok na stuff toy, figurine, etc. Lolz. Wala lang. Nasanay na kasi silang “Manok” o “Chix” ang tawag sa akin.

Pero in fairness, mahirap talaga mag-isip ng regalo, lalo na kung may budget kang kailangang sundin. Nakakatawa pala ang episode ng “Ang Pinaka” nung Linggo. Topic ang mga pinakagasgas na Christmas gifts. Kasama na dun ang towels, mugs, candles, picture frames, fruitcake, planner, etc. Haha. Nakakatawa lang pero ayoko din namang masamain. Siyempre diba, it’s the thought that counts.

Pero habang tumatagal, medyo nagiging praktikal na tayo sa pagreregalo. Gusto natin yung magagamit talaga ng pagbibigyan natin. Or yung iba, pera na lang ang ibinibigay para bahala na yung bibigyan niya kung ano ang gusto niyang bilhin.

Pero siyempre, hindi naman regalo o materyal na bagay ang mahalaga ngayong Pasko (seryoso eto ha? hindi ito topak). Mahalaga na alalahanin natin ang tunay na diwa ng Pasko – na ito ang kapanganakan ni Hesus.

Mas Baduy Ka Mariel!

rh_tpk.jpgTopak #11. Naalala ko nung nasa high school pa lang kami, tuwing recess, eh madalas kaming nag-aaaway ng mga kaibigan ko dahil puro sila kapamilya, samantalang ako ay isang kapuso. Swerte ko na lang kung nasa paligid namin ang second year adviser namin para kahit papaano ay may kakampi naman ako. Actually, maka-dos naman talaga ako dati. Di ko alam kung bakit all of a sudden ay lumipat ako sa kabila. (Naks, para akong artista ha. Hehe.)

Nung college naman, ay nagbuo ako ng isang Yahoo Group para sa mga Kapuso. Nakakalungkot na may mga Kapamilya na pumasok sa aming group at nang-away. Uy, di ako naninira ha? And di ko naman nilalahat ang lahat ng Kapamilya. Kasi may mga Kapuso din naman na mang-aaway ng mga Kapamilya. Dahil dun, nabuo ang mga bagong terms – kapalmilya at kanguso.

Basta, nature ko na talaga ang ipagtanggol ang Kapuso. Pero siyempre, ayoko din namang mang-away. Kasi narealize ko din na kahit naman anong gawin natin eh, ang Kapamilya ay Kapamilya, at ang Kapuso ay Kapuso.

Isa sa mga malaking balita ngayong taon ang paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN. Sinubaybayan ko si Angel mula Click hanggang Asian Treasures. Kaya totoo talaga na masakit sa mga Kapuso ang ginawa niyang paglipat sa Dos.Pero ngayon, normal na ang lahat. Yun nga lang, I guarantee you na maraming nawalang supporters si Angel Locsin.

Ah… about sa title ng post na ito??? Kasi kamakailan raw ay nahuli sa PBB si Mariel Rodriguez na sinabi niya na “Baduy sa GMA”. Haha. Mariel, diba doon ka galing? Kahit nasa ABS-CBN siya, eh akala niya hindi baduy ang tingin sa kanya ng ibang tao? Kasi ang tingin sa kanya ng iba ay maingay, maarte, OA, at plastik. Kaya mas baduy ka Mariel.

Pero opinyon niya yun eh. Kaya di niya na kailangang i-retract yun. Mamaya maging ma-ala Lolit vs. Piolo & Sam pa ito. Hahaha. Yun nga lang, ang dami nanamang kumukulo ang dugo kay Mariel. Pero guys, opinyon yun ni Mariel. Igalang natin. Kaya igalang din niya kung sasabihin nating mas baduy siya.

Ganun talaga. Ang Kapamilya, baduy ang tingin sa GMA. Ang Kapuso, baduy ang tingin sa ABS-CBN. Pero aminin na natin na sa dalawang isatasyon ay may mga baduy talaga. Nasa tao naman yun kung anong gusto niyang panoorin eh. Opinyon niya yun. Kaya kahit anong gawin nating pang-aaway, eh di natin mapipilit ang iba na panoorin kung ano ang pinapanood natin. Kaya nga madaming channels eh, to give viewers choices.

At the end of the day naman eh friendly competition lang yan (para sa iba). Tsaka tayong manonood, hahayaan ba nating masira ang pakikitungo natin sa ibang tao dahil lang sa topic na yan? Hehe. Ang mahalaga sa lahat, eh yung respetuhin natin ang opinyon ng iba.

Mga Pwede Pang Gawan Ng Remake Sa TV

rh_tpk.jpgTopak #10. Tila usong-uso ngayon sa TV ang paggawa ng remake. Maaaring:

  • Ito ay napalabas na dati sa telebisyon na ginawan ng remake.
  • Ito ay isang pelikula dati na ginawa ng serye sa TV.
  • Ito ay hango sa isang komiks.

Halos lahat ay ginagawan na ng “remake”, kagaya ng MariMar. Ang MariMar ay sikat talaga noong unang ipinalabas yun sa Pilipinas. Ika nga, yun ang nagbigay daan sa mga Mexican telenovelas sa ating bansa. Pumatok kasi mabilis ang takbo ng kwento. Di tulad ng mga Pinoy soap operas noon. Nakakabored. Pero nagimprove na ang Pinoy soap operas ngayon kasi hindi na umaabot ng taon ang isang serye.

Pati Princess Sarah ay ginawan na din ng remake. Naalala ko noon na lagi kong inaabangan yun tuwing hapon.

Tutal, puro remake naman ang uso ngayon, ano pa ba ang maaaring gawan ng remake???

  • Bananas In Pajamas… Sina B1 at B2. Haha. Pwedeng sina Richard at Raymond Guiterrez ang gumanap na B1 at B2, tutal kambal naman sila. Wala pa akong idea kung sino ang magandang gumanap na Lulu, Amy, at Morgan. Siguro dapat idaan sa audition. Pati na rin ang role ni Dodeng Daga. Grabe, challenging roles yun kung kanino man mapupunta ang role. Haha!
  • Okay siguro kung bubuhayin sa TV ang mga characters sa Funny Komiks.
  • Gawan na din ng remake ang Batang X! Haha. Tsaka Bioman, Ultraman at Magmaman.
  • Gawing series na din ang Mojacko, Doraemon, at Hamtaro. Okay yun kung drama.

Tinga Meets Kulangot, and A Copyright Story

rh_tpk.jpgTopak #9. Isang araw ay may isang nakakatawang joke akong natanggap sa aking mobile phone. Marami ang nagpadala sa akin nun at kapag naaalala ko ay natatawa talaga ako. Kaya para akong baliw kapag nasa public place dahil nakatawa ako mag-isa.

Maikli lang naman yun per grabe talaga. Natatawa talaga ako.

Kwento raw ito ni Kulangot at ni Tinga. Isang araw daw kasi, nagkausap sina Tinga at Kulangot. Sabi ni Tinga kay Kulangot, “Ui Kulangot! Anong ginagawa mo dito?”.

Hahaha. Nakakatawa talaga! Eeew!

Anyway, kanina ay may natanggap akong e-mail mula sa Multiply. Ito ay dahil sa dalawang kanta ng Bellefire na inupload ko. Copyrighted daw kasi ang mga materials at pinpabura sa akin.  Yup, mali nga ang ginawa ko, pero…

Nadownload ko lang din naman ang mga kantang yun mula sa internet. Edi sana wala na lang ganung feature ang Multiply para wala ng maguupload ng mga “copyrighted”  na materials. Hindi lang naman ako ang gumagawa nun. Kung tutuusin, eh wala pang sinabi ang music collection ko sa Multiply kaysa sa ibang Multiply users. Hindi lang naman sa Multiply ganyan, kahit saan ay makakahanap ka ng mga mp3 na pwedeng idownload.

Anyway, if they want, they can search the internet and discover a lot of copyrighted materials uploaded. LOL!

Hmmm, ang bad ko ah. Hehe. Sige na po, idedelete na po! :P