And I’m Telling You, I’m Not Going
Miyerkules, Disyembre 5, 2007 Mga Puna
Episode #12: Nababasa ko na kamakailan ang tungkol kay Charice Pempengco. Ang alam ko lang eh nagustuhan siya ng mga audience sa Korea ng minsang itong nagperform doon. Noong Linggo ay naabutan ko siya sa ASAP ng ABS-CBN. Tinignan ko kung magaling nga ba talaga siya. At naimpress talaga ako sa performance niya.
Ewan ko. Siguro dahil na din sa mga nangyari sa kanya recently kaya papansinin at papanoorin mo talaga ang performance niya. Pero kung hindi nangyari yung mga yun, papansinin pa rin ba siya ng marami? Hindi ko siya sinisiraan or what. Sabi ko nga, na-impress ako sa performance niya. And I hope na she’ll make it big in the international music scene. Nakakaaliw din dahil na-feature siya sa Daily 10 at gusto siyang makita ni Ellen Degeneres.
Naku, marami din namang umalma kasi sa ibang bansa pa raw napansin yung galing nung bata kaysa dito sa ating bansa. Biglang naging special treatment. Kung hindi ba siya napansin sa ibang bansa, eh papansinin na lang siya ng ganun dito? Bakit ganun noh?
Sa totoo lang, marami talaga tayong magagaling na singers. Madami lang talaga sila kaya minsan di na nabibigyan yung iba ng pagkakataon na mapansin ang kanilang mga talento. Pakiramdam ko na kayang kaya ng mga Pinoy na iinvade ang international music scene. Siguro kailangan lang ng suporta.




Freedom of Expression