Bungad > Opinion, Philippines > Independent Pinoy

Independent Pinoy

Sabado, Hunyo 13, 2009 Mag-iwan ng puna Go to comments
Source: GMANews.TV

Source: GMANews.TV

Dahil tungkol sa Araw Ng Kalayaan ang bog entry na ito, ay mararapatin ko ng isulat ito sa Tagalog. Ipinagdiwang natin kahapon ang ika-111 Araw Ng Kalayaan. Marami nanaman ang tuwang tuwa dahil ito ay nataon sa Biyernes kaya ibig sabihin, masaya nanaman ang karamihan para sa long weekend. At alam kong malulungkot kayo sa 2010 dahil  ay matataon sa Sabado. Sorry, walang long weekend next year!

Ako? For the first time in my life, pumasok ako sa Araw Ng Kalayaan. Medyo mas malakas ang bulong ng aking anghel sa akin kaya napapasok ako ng opisina upang tumulong sa mga kailangang gawin ng aking mga kadepartamento. Hay, di ko na talaga maramdaman ang long weekend na yan. Lagi ako pumapasok sa opisina sa tatlong pagkakataon na na nagkaroon ng long weekend.

Well, ayoko na magpost ngayon tungkol sa Araw Ng Kalayaan na feeling nagpapaka “nationalistic” ako. Pero oo, mahalaga sa akin ito at mahal ko ang Pilipinas. Kahit papaano ay gusto ko pa rin na umunlad ang ating bansa para di na kailangang umalis ni daddy at ni ate papunta sa ibang bansa. Naniniwala pa rin naman ako sa ating bansa at sa kakayanan ng ibang tao na nakatira dito.

Well, isang pruweba na malaya tayo ay itong blog… nasasabi natin ang gusto nating sabihin tungkol sa mga bagay bagay. Nais kong balikan ang aking blog entry noong nakaraang taon tungkol sa araw ng kalayaan. Nakakalungkot dahil  nakita ko sa search terms na lumabas sa aking blog noon ang mga ganitong klase ng taong… “Kailan ang araw ng kalayaan?”… Hmmm… Kung ito ay assignment ng isang kindergarten student, ay mapapalagpas ko na. Ngunit kung ang nagsearch nito ay isang elementary o high school student… Ang masasabi ko lang ay kung ayaw mo ng history kagaya ko, eh siguro naman dapat alam mo kung kelan ang araw ng kalayaan ng bansa mo. Hindi naman siguro mahirap imemorize ang June 12. Isulat mo sa post it o sa kalendaryo mo para di mo na malimutan.

Kung babalikan ang aking post na “Ika-110 Araw Ng Kalayaan“, may nagcomment ng ganito:

” pwede na rn,,,,,,,,,,,,,,, pero sana about ung independence day!!!!!!!!!!!!!!!!!! ok!!!!” – HAhahaahahahahah

Isang halimbawa yan ng tao na walang magawang matino. Nagtatapang-tapangan pero nagmukha lang namang duwag dahil hindi niya inilagay ang tunay niyang pangalan. Di ko mawari kung anong problema sa blog entry kong yun. Pakiramdam ko ay gumagawa lang siya ng assignment at naghahanap sa internet kung paano ba ito ipinagdiwang. Matutuwa ako kung makakabalik siya sa kaing blog at magpost uli after one year ng isang walang kwentang comment.

“sorry!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!d q alam ang araw ng kalayaan ng bansa natin pero sana matandaan q na ito!!!!!!!!!!!!!!!!!” – Nal

Sana nga Nal matandaan mo na. Nakakahiya ka na kung di mo pa matatandaan. Pero kung bata ka pa, well, you’re forgiven.

Isang blog entry ko naman about National Heroes Day na pinamagatang “Bayaning Pinoy“, isang comment ang agaw pansin. Di ko na sinagot noon pero may isang matapang na sumagot sa komento yun…

“hi poh…ask q lang poh kung ano poh ba ung mga kahalagahan ng pagdiriwang ng araw ng mga bayani taun-taon? …pki-sagot naman poh.assignment q poh ksi un eh..cge poh….tnx alot……. asap….” – Justin Romero

At ang sumagot…

“Oo nga. Nakakalungkot mang isipin.At meron pang mga taong tulad ni Justine Romero na di masagot ang sariling katanungan, nakakabadtrip lang. Justine, wag ka nang magpasa ng assignment mo.” – Xerez

At ngayon, sasagutin ko na…

Justin Romero, hindi kita nais pahiyain. Pero kasalanan mo na din at inilagay mo ang buo mong pangalan ng nag-comment ka dito sa blog ko. Well, kung tatanungin mo ako kung ano ang kahalagahan ng pagdiriwang ng araw ng mga bayani taun-taon, aaminin ko na mapapaisip muna ako saglit. Pero ang ganitong klase ng tanong ay di mo talaga makikita sa mga libro. Pero dapat sa sarili mo ay alam mo kung bakit ba ito ipinagdiriwang. At bakit ko kailangang sagutin yang assignment mo? At “asap” pa ha. Parang nagkaroon ako bigla ng responsibilidad dyan sa assignment mo ha. Kaya agree ako kay Xerez. Nakakalungkot talaga isipin na may magtatanong ng ganyang klase ng tanong. Sana ay makabalik ka din sa blog na ito para ma-redeem mo ang sarili mo. Magiwan ka ng komento at sagutin mo ang tanong kung ano ang kahalagahan ng pagiriwang ng araw ng mga bayani.

Oops. Di ako nakikipag-away. Gusto ko lang gisingin ang mga Pinoy na tila walang pakialam sa mga ganitong bagay. Paano tayo uunlad niyan kung ganyan?

Categories: Opinion, Philippines Mga Marka:
  1. Linggo, Hunyo 14, 2009 bandang 10:34 hapon | #1

    nice pic! ^_^

  2. Linggo, Hunyo 14, 2009 bandang 11:43 hapon | #2

    hahaha, may mga bata ngang minsan naliligaw sa mga blog natin at dito nagkakalat. minsan aawayin ka pag hindi nila nahanap ang sagot sa mga assignment nila. meron pa ngang nagalit sa akin dahil hindi daw nagustuhan ng teacher niya ang sinulat kng story, kasalanan ko pang kinopya niya ng walang paalam ang kwento ko hehehe. anyways, continue blogging.

  3. Linggo, Agosto 30, 2009 bandang 11:55 umaga | #3

    Bakit mahalaga ang pagdidiriwang ng araw ng mga bayani?

  1. No trackbacks yet.