Nandito Pa Rin Tayo

This blog entry is (obviously) inspired by the latest single from The CompanY – “Nandito Pa Rin Tayo.”
At dahil Tagalog naman ang kanta, ay aking napag-isipan na ipost na sa Tagalog ang entry na ito. Masasabi kong tamang-tama ang kantang ito sa gusto kong i-express sa blog ko ngayong taon… Colorsplash… A Decade From Journal To Blog (1999-2009).
Sabi nga ng The CompanY ng album launching nila, maraming pwedeng pag “dedicate-tan” ng kantang ito. Pwede sa mag-aasawa… Pwede sa magkakapatid… Pwede sa magkakabigan… etc. Naisip ko din na pwede ko idedicate ang kantang ito sa aking “journal turned blog” na kaibigan.
Napagkatuwaan ko lang noon na gumawa ng journal. Dito ko sinusulat ang mga kwentong nahihiya akong ikwento kaya isinusulat ko na lang pagkatapos ay ipapabasa ko din naman sa iba. Napaka-corny ko dati (ewan ko kung hanggang ngayon) kapag binabalikan ko ang mga isinulat ko. Pero di ko naman ikinahihiya iyon. Pinagtatawanan ko na lang at kinukonsidera ko ang mga iyon na bahagi ng aking nakaraan. Dadaan at dadaan din ang bawat isa sa atin sa mga ganoong sitwasyon.
Dahil din sa journal at blog, ay nakilala ko kung sino ba talaga si Rowjie. At least, masasabi ko ngayon na kahit papaano ay may nabuo akong identity. Nakita ko ang buhay sa mas malawak na perspektibo. (ang lalim!)
Naaalala mo ba noon nung bata pa tayo / Naaalala mo pa noon nung bago pa ang mundo / Kahit ano man ang iharap sa atin / Kahit ano ay kakayanin / Andami dami kailangan pang gawin
Sabay tayong nangarap at sabay din natuto / Sabay din natin nakita na nagbago ang mundo / Kahit magbagong lahat sa ating mundo / Okay lang yon magkasama tayo / Maaasahan mo ang pangakong ito…
Masaya malungkot / Nabigo naabot / Nandito parin tayo / Nawala nakita / lumakas humina / Nandito parin tayo / Di ka mag-iisa may kasama ka sa biyahe ng buhay mo / Umulan umaraw / Nandito pa rin tyo…
Ang dami ng nangyari sa atin / nandito pa rin tayo / Sa hirap at ginhawa tuloy ang ikot ng mundo / Kahit ngaun alam ko makakaya natin / kahit anung iharap sa atin / Andami dami pwde pang gawin…
Maganda ang lyrics ng kanta. Kumbaga, nais iparating ng kanta na sa sa kabila ng maraming pinagdaanan, ay magkakasama pa rin tayo… Kasama ko pa rin ang aking “journal turned blog” na kaibigan… ang aking mga kamag-anak… at ang aking mga kaibigan. Inaalay ko ang kantang ito para sa kanilang lahat.
Para rin ito sa mas mahabang pag pagsasama.
i love the company..lalo na kapag nagpeperform sila ng live
WOW…Rowell..naaalala mo ba ako..akalain mong mahahanap kita sa pagahahanap ko ng kantang nandito pa rin tayo..
ang ayos ng iyong pagkakagawa ng blog na ito..
salamat sa lyrics ng kanta..
i saw them perform live at megamall 2007. great voices. i gotta have the CD pagbakasyon ko and rico blanco’s and kyla’s
hello po..pwede po pakipost..po yung chords ng kantang to….nahihirapan po kasi ako na mag search sa internet …wala pa po sigurong nakapag.tab nito..sige na po…
………nakaka-touch talaga ang lyrics ng song na to.. lalo nung pinapanood ko sila ng live sa Metro Bar.. maaantig ka pag sa harap mo ito kinakanta ng The CompanY.
Thanks for the lyrics bro… sana meron din may Chords.. hehehe…
fisrt thank you Row eh Bow ako sa iyo nakita ko video nitong kantang to. sabi rin nila maganda talaga ang lyrics applicable sa tao, sa relationships, mga pangyayari, sa work (kaya ko sinearch ito) at itong recenlty na bagyong Ondoy at Pepeng bihira ako magappreciate ng kanta pero dito naalala ko ang mga kabibgan ko na victims ng kalamidad. kay sir MOY ORTIZ maraming salamat din siya yun nag send ng lyrics thru my FB acct. my really conern is paano ko maaupload ito sa site ko sa http:/ramoncalupas.multiply.com. as far as your site here mukhang may know-how ka.. yun lang at medyo mahaba na. i hope matulungan mo ako. thank you in advance po.