Kwentuhang Pasko
Hello sa lahat! Muli kong binubuksan ang Christmas season sa aking blog! Ngayong taon ay gusto ko medyo gawing kakaiba mula sa mga ginagawa ko noong mga nakaraang taon. Gusto ko na mas mangibabaw ang paggamit ko ng Tagalog ngayon.
Bukod pa doon, ay since ako ay isa namang blogger, naisipan ko na gumawa ng something para sa mga kapwa kong Pinoy bloggers. Siyempre kung ang ABS-CBN at GMA ay may kanya-kanyang mga Christmas station ID, dapat ang mga Pinoy bloggers din. Hehe. Di nga lang ganon ka-garbo. Siguro pag napagsama sama na ang mga creative PInoy bloggers, makakagawa din tayo. Hehe.
Salamat pala kay Sir Moy dahil may blessings niya ang paggamit ko ng kanta nilang “Isang Taong Lumipas” mula sa kanilang “The Christmas Album”. Bili kayo kung wala pa kayo. Maganda ang album!
Tamang-tama kasi ang kanta para sa mga bloggers lalo na ngayong magpa-Pasko at magbabagong taon, tiyak na maraming kwentuhan lalo na sa mga nangyari ngayong taong 2008.
Well, for me, I can’t say naman na totally happy ang Christmas ko this year. Kasi namatay ang lola ko. Siyempre, mamimiss ko yung usual Christmas na kasama namin siya…
Naisip ko ring title ang “Kwentuhang Pasko” dahil alam ko na marami talaga tayong maikukwento ngayong Christmas season.
Muli, nais kong batiin ang buong Pinoy blogging community ng Maligayang Pasko!
merry christmas fellow blogger!
merry christmas din fellow blogger!
ang galing a!
(applause! applause! applause!)
sa kabilang banda ay iselebret mo pa din ang Christmas tulad ng dati kahit wala na ang isa sa pinaka mahal nyo sa buhay. Kasi sigurado din na gusto nya kayong magsaya.
Merry Christmas para sa isa sa mga inspirasyon ko dito sa blogosphere-ikaw yun syempre master e at para sa ating lahat lahat!
naks naman. hehe. salamat master cio!