Noong isang araw habang ako ay naglalakad patungo sa aming opisina, ay may nakasabay akong lalaki na may dalang saklay… dahil hindi siya makakalakad kung wala iyon. Pormal ang kanyang bihis, kaya malamang siya ay papasok rin sa opisina kagaya ng karamihan ng naglalakad sa Ayala ng mga oras na iyon.
Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa para sa kanya, ngunit mas nangibabaw ang paghanga ko sa kanya. Sa kabila kasi ng kanyang kapansanan ay pinipilit pa rin niyang makipagsabayan sa mga taong nakakapaglakad ng maayos. Hindi niya yun ginawang dahilan upang tumigil ang kanyang mundo.
Isa rin itong paghanga sa mga kumpanyang binibigyan ng pagkakataon ang mga taong may kapansanan na makapagtrabaho.
Inihanay sa: Tagalog Posts | Minarkahan: Ayala Avenue












nakakabilib nga ang mga ganun.lumalaban talaga. yun nga lang bihira talaga ang mga kumpanyang nagpapasok ng mga gnun. masakit man sabihin e sa Pilipinas kasi lahat na pinupulitika as in lahat(1,000,000,000,000x) na kaya nakakawa lalo na pag may kapansanan.
Yeah.. Hindi lang ako sa mga may kapansanan humahanga pati sa mga kumpanyang bukas ang pinto para sa mga tulad nila.
Naalala ko tuloy and LAMOIYAN CORPORATION
yung kumpanyang may hawak sa Hapee toothpaste saka Dazz Etc. Maganda yung mithiin nila dahil mga empleyado nila ay may mga kapansanan.
Kung tutuusin nga daw mas magagaling pa sila at masisipag kumpara sa mga mga normal.. Tama!? Tama!
yeah \m/
saka alam nyo jie, tep dito sa middle east(at sa ibang bansa pa) sa pagkakaalam ko wala sila pakialam kung may kapansanan ka or kung san ka galing na skul, etc etc. basta “able” ka (at naabot mo yung standard nila na isa dun ay wala kang nakakahawang sakit-medyo mahigpit nga lang pagdating sa mga ganun pero nevertheless “abot kamay” naman yung mga standards nila e) sa trabaho at mahusay ka at may drive ka talagang ipropromote ka. walang patumpik tumpik yun! e sa pinas? may ibang kumpanyang mga topaks talaga. di ka pa nkikitang magtrabho jinajudge kana sa itchura o sa ability mo (ke may kapansanan o wala) yan lang talaga ang ayoko sa atin isa pa (tulad ng nasbi ko na) masyadong perpektyonist at mapulitika pati bonus mo yayariin pa. e panu nga tau aasenso ng ganung set up dba?
(boss jie pasensya na nadala lng ng damdamin lol tnx)
Kuya Rowj,
lagot ka, inaatake na si pareng DENCIOS, nyahahahaha..
lam mo dencios, mataas talaga ang diskriminasyon dito sa Pi’nas, pero laging tandaan hindi naman lahat, tingnan mo ko, natanggap at nagtatrabaho kahit mukha akong impakto.. nyahahahaha..
Nasa tao na rin ‘yan kung paano s’ya ibebenta sarili n’ya sa employer di ba?
nyahahahaha cool \m/
haha.nagpapaliwanag lang.
ayoko na mag comment sa mga kumpanyang yan at naaalala ko lng ang nakalipas. bwahaha.
waw naman. ang sipag naman niya
at salamat sa employer nia huh.
ang ganda naman ng title ng blog mo. nakakabilib ‘yung lalaki, dahil hindi tumitigil ang mundo sa kabila ng kapansanan.
mabuhay ka rowjie. sana ay mag-multiply ang iyong persona 101 times para lalong dumami ang mga nagbibigay ng respeto sa kapya. bow.
–tenco of alasais
ang ganda naman ng title ng blog mo. nakakabilib ‘yung lalaki, dahil hindi tumitigil ang mundo sa kabila ng kapansanan.
mabuhay ka rowjie. sana ay mag-multiply ang iyong persona 101 times para lalong dumami ang mga nagbibigay ng respeto sa kapwa. bow.
–tenco of alasais