Tila Nakakabaliw

Masasabi ko namang nakabawi ako sa tulog nitong nagdaan na weekend. Para nga akong sobrang kulang sa tulog dahil kahit matulog ako ng matulog, ay nakakadama pa rin ako ng antok.

Kagabi ay muli akong nakaranas ng katahimikan sa aking kwarto habang hindi nakasindi ang ilaw. Parang ang tagal na rin mula ng nakaranas ako ng ganoong pakiramdam. Ngunit hindi ko nagustuhan ang naramdaman ko. Tila ang dami-daming pumapasok sa isipan ko. Parang nakakabaliw…

Ilang buwan na rin siguro marahil na ako ay masyadong busy sa trabaho at kung anu-ano pang mga gawain. Yung bang nawalan ako ng panahon para magmuni-muni. Gustuhin ko mang umabsent kahit isang araw, ay hindi ko magawa ngayon dahil sa dami ng trabaho. Pero pinangako ko sa sarili ko na magaabsent ako pag natapos lahat ng kailangan kong gawin.

At ngayon, tila iba ang pakiramdam ko. Para akong magkakasakit. Actually medyo last week ko pa inaasahang makaramdam ng ganito matapos ako maulanan noong isang linggo.

Gusto ko muling mapag-isa kahit isang saglit upang makapag muni-muni tungkol sa mga bagay-bagay.

2 Tugon

  1. super stressed ka malamang sa trabaho o di kaya…

    SADYANG ANTUKIN KA LANG! hahaha! i remembered your post ‘masa’ hehehe!

    ang sarap nga magchillax at mag-isip isip… ang weird ay kahit natutulog ka, parang ang dami pa ring pumapasok sa isip.. hays…

    the mind is such a powerful attribute of humans…

    peace out!

    korek. hehe. malamang pinaghalong stressed at antok. hehe. yup, talagang napakapowerful ng ating mga isipan. :)

  2. katulad mo ko gusto ko din mag muni muni pero ako binibigyan ko talaga ng oras yun. isa kasi yun na sa tingin ko na mas nakikilala ko pa ang sarili ko. sa panung paraan ba kamo jie? e sa akin na lang yun. hehehe.

    ay… hindi shinare… hehe…

Mag-iwan ng Tugon