Pahingi Raw Ng Balita

Ilang araw na rin ang nakakaraan at napapansin ko na kasama sa mga “search keywords” na lumalabas sa aking blog ay mga search keywords tungkol sa balita, kagaya na lang ng “balita ngayong hulyo 24″.

Marahil dahil ito sa mga nakaraang blog entries ko na tumatalakay sa mga current events dito sa Pilipinas.

Kani-kanina lamang ay naakatanggap ako ng mensahe sa aking meebo. Sa pamamagitan ng Meebo Widget na nasa aking blog…

[16:52] meeboguest557402: hi
[16:52] meeboguest557402: penge nman balita
[16:53] meeboguest557402: boob
[16:53] meeboguest557402: bobo
[16:53] meeboguest557402: bobo

Pasensya na dear readers at pinapainit nanaman ng isang ito ang ulo ko… Rowjie, hinga ng malalim…

Una sa lahat, hindi ako media para hingan ng balita. Nasa opisina ako ngayon. Malay ko ba kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Maraming salamat sa internet at kahit papaano ay updated ako. Hindi mo ba naisip na ayan at kaharap mo na ang computer na may internet at nandyan na mismo sa unahan mo makukuha ang maraming impormasyon na gusto mong malaman?

Pangalawa, wag mo akong matawag-tawag na bobo, unless ipakilala mo ang tunay mong katauhan. Mas bobo ka dyan sa ginawa mo.

Blog ang pinuntahan mo iho/iha/ihe. Anong balita ang aasahan mo sa blog ko? Ibig sabihin ba ay kung magpost ako ng isang kasinungalingang balita eh maniniwala ka na? Wow, I’m so credible to your eyes.

At tulad ng sinabi ko, ayan na nga sa unahan mo ang computer n may internet. Kung blog ko nahanap mo, bakit ang isang news site ay hindi mo mahanap? EH kung tutuusin, mas maraming pumupunta sa mga news site kaysa sa blog ko.

Pero sige, naaawa ako sa yo eh. Bibigyan kita ng balita…

www.gmanews.tv

I hope masaya ka na at pinagbigyan ko ang iyong kahilingan.

2 Tugon

  1. ang taray! hehehe..

    dinadamayan kita sa pgkainit ng ulo mo.. until.. nabasa ko ang ihe.. hehehe.

    natawa na ako. ay naku, wag pumatol sa mapapanghe! nyahahahaha. :D

    Mataray ba? Mild pa nga lang yan eh. Hehehe… Ihe kasi di ko alam kung ano ang kasarian niya o kung tao ba siya. Oo nga, wag ng patulan ang mapanghe!

  2. nakakagago naman yan

    anyway, ni-tag pala kita kuya ehehehe

    Tag? Hehe. Sige, remind mo lang ako.

Mag-iwan ng Tugon