Dagdag Pamasahe At Lindol Ngayong Hulyo

Isang nakakagulat/nakakainis/nakakaiyak/nakakapanlambot/nakapanlulumo na balita ang aking narinig at napanood sa telebisyon kaninang umaga. Tataas nanaman ang pamasahe! Aba, parang kailan lang mula noong huling nagtaas ng pamasahe ha. Nag-aadjust pa rin nga ang iba sa bagong pamasahe tapos tataas nanaman?!? And as the famous quote says, “Sweldo na lang ang hindi tumataas!”.

Sa bagay, hindi mo rin masisisi ang mga namamasada dahil sa halos araw-araw na pagtaas ng presyo ng langis. Nagulat nga ako noong Sabado na ang isang litro ng Caltex Gold ay nasa 61 pesos na! Grabe talaga. At ano pa nga bang magagawa nating mga commuters? Edi sumunod sa bagong presyo. Siyempre, wala ng ibang paraan upang makarating tayo sa ating pupuntahan. Hindi na nga natin alam kung paano tayo magbubudget tapos heto nanaman. Kailangan nanamang mag-adjust.

Ang minimum fare na naabutan ko ay 1.50 pesos. Noon, sa 3 piso ay makakarating ka na ng Parañaque mula Cavite. Eh ngayon, ni wala pa yun sa kalahati ng minimum fare.Nung tumaas ang pamasahe na wala pa sa limang piso,ay medyo okay lang. Nang umabot na ito ng 5 piso pataas, ay nakakaalarma na talaga. Kapag umabot pa yan ng 10 piso, ay mapapaisip na talaga akong mangibang bansa.

Sa ibang kwento naman, kahapon ng umaga ay nakaramdam ako ng parang umuuga. Inisip ko na lindol, pero hindi ko pa rin masyadong pinansin. Maya-maya ay parang malakas na yata, kaya napatingin ako sa kalikod ko dito sa opisina. Halos karamihan sa amin ay nag-react na. Natatawa pa ako sa kwento ng ka-opisina ko. Tinawagan daw niya ang isa naming officemate.

Tinawagan ni Officemate #1 si Officemate #2.

Officemate #1: Ui, lumilindol!
Officemate #2: Huh? Saan?
Officemate #1: Dito, sa office!

(Hahaha…)

At speaking of lindol, kalat na kalat ngayon ang prediksyon raw na lilindol sa Pilipinas sa July 18, 2008 na may magnitude na 8.1. Ito raw ay ayon kay Juseleeno Nobulega Daroose at kay Nostradamus. Kamakailan rin ay nabalita ring lilindol ng malakas, ngunit hindi naman totoo.

Nakakakaba ang mga ganyang klase ng balita. Pero dapat nga bang paniwalaan? Scientifically, hindi raw talaga nahuhulaan kung kailan lilindol. And only God knows what will happen diba? So pray lang tayo, have a strong faith and trust in God that na hindi mangyayari ang earthquake na yun. It can happen anytime naman talaga eh, pero ipagdasal na lang natin na hindi mangyari.

Produkto nanaman siguro ito ng mga taong walang konsensya na nagpapakalat ng kung anu-anong mga balita para manakot. What’s the point of disseminating this kind of wrong information? Hindi ba sila nakokonsensya sa ginagawa nila? Sana maramdaman nila yung takot na idinudulot nila sa ibang tao, at sana yung mas malala pa.

Kung totoo mang hula yon, then fine. Kaya nga hula eh. Hindi mo alam kung totoo o hindi. Naalala ko tuloy ang isang hula raw ni Nostradamus noong taong 1999 na magugunaw na raw ang mundo noong isang araw ng taong iyon. Well, year 2008 na po.

14 Tugon

  1. nd me naniniwala sa msg na magkakalindol daw 18, ang mas mabuti nating gawin eh maghanda, on the other hand ndi rin naman natin masisisi ang mga operators/drivers sa pagtaas ng pamasahe, in short buong mundo problema ang issue na to. bow!
    aga for president asust!! :)

    yup. dapat lagi tayong handa sa mga possibleng mangyari sa ating bansa. pero let us still hope na walang mangyayaring hindi kanais-nais sa ating bansa.

    yes! iboboto kita sa 2010 presidential elections! hehe

  2. n akakatakot naman.. onga ingat na lang talaga.. haayy kalat na kalat na yung tungkol sa july 18 na yan pero sana wag mangyari.. Argghh dami pa ko pangarap

    ako rin! marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. basta, kay Lord lang tayo maniwala na walang mangyayaring masama sa petsa na yun.

  3. Huummp.. uu nga.. just pray na lang..

    at ang pinaka-magandang gawin na’tin ay mag-ingat.. kahit sabihin na’tin hindi ‘yon totoo.. dapat handa pa rin tayo sa mga posibleng mangyari..

    haha.. naalala ko tuloy movie ni Anjelina Jolie yung “Life or Something Like it”

    Isipin na lang natin na ang bawat araw ay ang huling araw na’tin sa mundo..

    gets.. pakabait na lang tayo (toinks!!) hekhekhek

    ***

    tama tama!! hindi lang tayong mga pilipino ang problemado sa pagtaas ng presyo ng krudo, pati sa ibang bansa.

    kaya wag tayo magtaka kung tataas na naman ang pasahe.. wawa naman nga mamang drivers..

    .. minsan ok din ‘to.. para may trill naman ang mundo.. hakhak (and bad cheeta ko)

    hehe nice!!

    wow, salamat sa iyong mahabang comment kaibigang otep!

  4. yang lindol mukang di totoo kasi na resib ko yung email na yan last year tapos this year dinagdagan lang… check my site ito yung buong email..

    http://talambuhay.wordpress.com

    >>> mang BADoy

    yup! it’s pretty obvious na produkto lang yan ng mga taong gustong manggulo

  5. uy di ntin nasi2guro yan so we need strong faith to god ung to the highest level
    wla nmang mngya2ring msama kung pani2walan hihihihih
    mabuti na ung handa…..un lng dats only my point….. bye….

    yup. actually dapat naman lagi tayong handa eh. thanks sa pagdaan!

  6. wootho!!… nailabas din ang sentimento mo pards.hehe

    haha. oo, matagal ko ng gustong ilabas ang sentimento kong yan! hehe

  7. Ay naku sabi lang yan… hahaha… ewan ko ba kung bakit me taong ganyan.. baka inggit lang sila sa pinas kaya ganun.. hahaha… madami na kasing trahedya na naganap pero di nila na predict…

    korek. bakit kaya may mga taong walang magawa noh?

  8. not GOD only knows but also the DEMONOLOGISTS. Siguro kung magkatotoo ang hula niya e tiyak na DEMONOLOGIST SIYA. By the way, Demonologist studies demons and devils in hell and other parts of netherworld. Also they can tell what might happen by tommorow due to NECROMANCY. Hindi sumasamba ang mga demonologists sa demonyo but they can tell what might these fiends will do. At this case, these predicted calamities may be the works of Satan. Alalahanin ninyong we are already at the Final Judgment and the evidences is September 11, 2001 terrorist attack when some demonologist saw demons in WTC smokes; Also the Global Warming, Rampant crimes,and the increasing number of atheists.

    Well, whatever it is, dapat handa tayo palagi, and dapat ay sinisimulan na nating baguhin ang mga mali nating gawain.

  9. ha..ha.. naaalala ko yang end of the world kuno noong 1999 if di ako nagkakamali october ata yung month..
    nakarecieve din ako ng email bout sa coming lindol daw this friday, i dont think it’s true,pero gaya nga ng sabi ng lahat mag-ingat na lang…
    malaki talaga epekto sa akin ng sunod sunod na pagtaas ng pamasahe kahit one ride lang ako to work.at saka di lang pamasahe mataas pati mga bilihin..ang hirap magstretch ng budget.

    hay, ang hirap na tuloy magbudget ngayon. pamasahe pa lang eh masyado ng magastos.

  10. dito sa cebu nag take effect na nga last june 16 ang additional 17 minimum wage pero kasabay nito tumaas naman ang pasaHE at gasolina. may justice ba yan? parang di ko pa rin maramdaman ang pagtaas ng salary. hay naku… sobrang mahal na talga ng pinas. magkano kaya ang value natin pag binenta natin ang pinas sa dayuhan?

    buti na lang ang sex ay libre. naku if time will come na may tax at bayad na rin ang sex..seriously mag alsa balutan na talaga ako sa middle east countries..hahahaha..ano kaya’t mag masahista na lang ako? di naman siguro yun masama sa isang college grad from prestigious school with above average IQ (char! yabang ba?!!! ahahha) na maging masahista, di ba? biruin mo naman sabi ng masseur ko, kumikita sila ng minimum net of 30k a month. grabe di ba?!! mayaman pa sila sa atin!!!

    Ang laki-laki ng itinataas ng mga bilihin pero ang sweldo, hindi natin maramdaman kapah tumataas. Haha. Naku, kung may tax na pati ang sex, ay malaki ang kikitain ng gobyerno natin. Hehe. Kidding aside, it is one of the pleasures in life na libre. :)

  11. asus…walang ibang mas mabisang paraan sa lahat ng mga pagsubok na darating sa ating buhay kundi prayers…wag tayong matakot…
    SIYA pa rin ang mas MAKAPANGYARIHAN sa lahat…
    bow!

  12. hay naku!hindi naman totoo yung lindol ngayon………………………………………..
    nakakainis naman ang nagpakalat ng balitang iyon,
    mag pray lang tayo lagi!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!ok….(toinks)

  13. ahaha.. hindi nman lumindol nung 18 ah.. hmmpf!! lahat kami nkabahan sa balitang iyan pero hindi man pla totoo.. pwo okay lng para mkapag hnda tayo sa ano mang mangyayari… at huwag kalimutang mag pray..hehe.. iyan lang tlaga ang nag iisang armas natin…armas nga buh?? heheh..
    tungkol nman sa pag taas ng pamasahee.. ahHhmm.. talaga nmang nag hihirap na ang pilipinas …tama ngang Ang Sweldo na lng ang hindi tumataas.. pwo bata pa nman ako kaya mag aaral na lng muna ako ng mabuti upang hindi maka dagdag sa problema…chaAaArRR,,.. HEHEH..
    sAlAMat PFoh……MABUHAY!!!

  14. sino ba naman kasi ang matinong maniniwala sa magsasabing lilindol sa isang araw? kakatawa nga ung email na yan, marami talagang sira ulong papansin dito sa mundo hehe…

    ung pamasahe, it really sucks, well, it goes with the oil price hike worldwide, sino ba namang kumpanya ng langis ang magpapalugi ng tuluyan kundi itataas ang presyo ng binebenta nilang oil products, ang pamasahe, natural directly proportional dun…ang problema nga lang, di talaga tumataas ang sweldo ng mga empleyado, kaya in the end, tag-hirap ang inaabot ng mga Pinoy….pare-pareho na lang tayong magsasakripisyo talaga dahil wala namang magandang resolusyon ang gobyerno natin….ang nakakainis lang, madami pang driver ang nagrereklamo, mabuti nga tumaas ang pamasahe, eh ang minimum wage hindi naman, tapos idagdag pa natin ang reform sa income tax na tila pabalat bunga lang dahil mukhang walang balak maglabas ng circular ang BIR para ma-implement ang enhanced tax exemption sa mga empleyado ngayong taon na ito….kelan pa kaya yan…kaya sino ba naman ang di mag-iisip na lumayas dito sa Pilipinas…haiz…buti pa karamihan sa mga PUV drivers, di naman talaga nagbabayad ng income tax….haiz talaga!

    Hay, pahirap na talaga ng pahirap ang buhay dito sa Pinas… :(

Mag-iwan ng Tugon