Bungad > Tagalog Posts > I Am Rowjie

I Am Rowjie

Linggo, Hulyo 6, 2008 Mag-iwan ng puna Go to comments

Naman. Parang bago pa lang ang blog ko at ngayon pa lang ako nagpapakilala ah. Hahaha. Well, sa mga walang sawang napapadaan sa blog ko, maraming salamat. Sa mga bago pa lamang, ay welcome po sa aking blog. Ang mga blog entries ko ay makikita sa WordPress account an sa Multiply account ko.

Ewan ko ba kung masyado ko bang dinaramdam ang bagong subtitle ng aking blog na “Back To Basics” kaya heto at “introduce myself” nanaman ang drama ko. Well, siguro dahil for more than a year ay nag-nose bleed ako sa kakapost ng mga ingles na blog entries. Hindi ko naman pinagsisisihan dahil kahit papaano ay napraktis ang aking English. Pero I bet, sangkatutak ang wrong grammars ko. Haha. Nag-feeling lang siguro ako na magaling ako sa English. Haha.

Anyway, tulad nga ng titulo ng blog entry na ito, ako po si Rowell Cruz, a.k.a. Rowjie. Nickname ko na ang Rowjie since bata ako. Ayaw ko talaga yun gamitin noon. Ewan ko ba. Pero ngayon ay ginagamit ko na siya, particularly sa internet. Pero Rowell pa rin naman ang tawag sa akin sa personal.

Ako ay nagtatrabaho bilang isang mapagpanggap na Web Developer. Haha. Boring ang trabaho ko minsan, lalo na pag tinatamad ako. Pero enjoy naman pag sinisipag ang katawan ko. Mahiyain ako, kaya asahan mo ng napakatahimik ko. Pero tulad nga ng sinasabi ko, pag palagay na ang loob ko sa isang tao, eh iingay na rin ako.

Isang araw ay narealize ko na ang plastik ko pala. Bakit kamo? Mukha akong camwhore, or should I say camwhore talaga? Haha. Mula nung nagkaroon ng Friendster at kung anu-ano pa, ay isa ako sa mga todo pose sa pictures para ipost sa Friendster. Hindi lang yon, “thank you photoshop” din ang drama ko kasi ineedit ko muna ang mga larawan ko… pinapakinis ang balat… tinatanggal ang mga di kanais-nais sa balat. Noong kolehiyo kasi ako ay para akong tigyawat/taghiyawat na tinubuan ng mukha. Gusto ko sanang isipin na nasa puberty o adolescence stage pa ako noon kaya lang parang tinodo naman yata sa akin. At least, hindi ko naman pinagdusahan ang pagkakaroon ng bad odor. Haha. Salamat sa aking deodorant na Safeguard.

Marami na akong sinubukang mga produkto noon, pero lalo pang lumala. After ng college, ay laking pasasalamat ko at nalagpasan ko na ang madilim na nakaraan na yun. Meron pa rin namang mga pimpols pero hindi na yung over. Kontento na ako sa ganito. Feeling ko ang kinis kinis ko na, pero hindi pa rin naman. Hahaha. Wag na lang titingin sa salamin. Ayun, parang natanggap ko na din sa sarili ko ngayon na maarte talaga ang balat ko.

Nakakapagod na din ang pagpapacute sa pictures, hindi naman cute. (At nakakapagod na din ang pagophotoshop ng mga pictures noh!). Well, siguro tapos na din ako sa stage na yun. Time to be matured ika nga. Siguro ginagawa ko yun dahil masaya pag nakita mong mataas ang number of views mo sa friendster at maraming gustong i-add ka as their friend. Teka, hindi ako bitter ha? Haha. Nagsawa na rin siguro ako kakapanggap. Time to be true to myself na siguro, pero at the same time, proper care na din sa sarili ko.

Ayan. Camwhore na kung camwhore, pero hindi ko naman pinageffortan ang pagpopose dyan sa larawan na yan. Hehe. Siyempre, pinapakilala ko ang sarili ko kaya kailangan ko ng latest picture. Ang katabi naman ay isang obvious na ginaya sa album cover ni Jason Mraz na “We Sing, We Dance, We Steal Things”. Ganyan ang concept nun. Simple lang pero impressed talaga ako sa idea na yun. Kamukha ko ba yung nasa drawing? Hehe.

O siya siya… Sa mga susnod na araw ay gagamitin ko na talaga ang aking cam para maging exciting naman ang blog ko. Hehe. At madami-dami pa din akong ikulwento na kung anu-anong mga bagay! Salamat!

  1. Linggo, Hulyo 6, 2008 bandang 7:42 hapon | #1

    kaw nga pala si rowell. un lagi nababanggit ni vanny

    “ui u know rowell? waw common friends”

    hehehehe

    Wow. Nag-meet na kayo ni Vanny in person?

  2. Linggo, Hulyo 13, 2008 bandang 1:33 hapon | #2

    hahahha. pinagchichismisan nyo ako ni yeye ah. :D

    anyway! kakyut! may nakita akong manok! hahahaha. bakit nga ba manok rowell? :D

    SShh! Wag ka maingay yeye! Hehe… Hmmm, tukso lang yan since elementary na nadala hanggang sa pagtanda ko. Hehe.

  3. Biyernes, Hulyo 18, 2008 bandang 5:59 hapon | #3

    lilindol po sa july 30 kaya po mag inat tayo sa bagyo may umuusok at sina
    sa bi na lilindo kaya magingat po tayo mag the sal nalang po tayo
    wag kayong mag tawanan kapag lumilindol
    maging matapat po tayo ka si pinag kakalat ni la sa mundo na lilindol

  4. Biyernes, Hulyo 18, 2008 bandang 6:01 hapon | #4

    lilindol po sa july 30 kaya po mag inat tayo sa bagyo may umuusok at sina
    sa bi na lilindo kaya magingat po tayo mag the sal nalang po tayo
    wag kayong mag tawanan kapag lumilindol
    maging matapat po tayo ka si pinag kakalat ni la sa mundo na lilindol
    wag po kayo manini wala kasi dipo totoo

  5. Miyerkules, Disyembre 10, 2008 bandang 4:29 hapon | #5

    …tenkz 4 d rezpanz…i can’t mail you back using my mailing ad coz itz not functioning.
    …help me on how will i start to have my own blog like you….ha?….i’ll be waiting again 4 your mail.tenkz…God Speed.

  6. Miyerkules, Disyembre 10, 2008 bandang 4:32 hapon | #6

    …your a true person…you stated who you are really and i like personz who are not that plaztik….jajajaa..u know bad perzonz…jejejee…okie….i have to go.i have my next claz.bye.mail me back again ha?…

  1. No trackbacks yet.