Betamax
Astig ang kantang ito. I can say na tamang-tama ang kantang ito sa theme ng blog ko ngayon na “Back To Basics”. Ang kanta ay tungkol sa mga uso noon. Masasabi ko na kahit papaano ay naabutan ko pa ang mga nabanggit sa kanta, lalo na ang betamax. Hehe.
Nakakatuwang balikan ang mga nauso noon. Napaguusapan nga namin na ang hirap pala noong wala pang celfones. Kunwari may imimeet kang kaibigan. Hindi mo siya matatanong noon kung nasaan na ba siya. Ang kagandahan noon, ay mas siguradong on-time talaga ang inyong pagkikita.
Naabutan din namin yung kapag sinabing “research”, eh research talaga – pupunta kami sa school library, maghahanap sa mga makakapal na encyclopedias, at umabot din kami na pumunta pa kami sa aklatang bayan. Ngayon, salamat sa internet, copy & paste na lang ang karamihan.
Usong-uso ang mga outdoor games noon kagaya ng piko. Ang mapaglalaruan lang talaga na computer noon ay family computer. Ngayon, ang dami-dami na.
Wala pa nga lang blog noon. Hehe. Pero kaya nga heto at gusto kong balikan yung mga panahong wala pang blog.
Anyway, two thumbs up para sa kantang ito ng Sandwich!
hi… blog hopping lang me.. minsan ko pa lang napakinggan iyong kanta… although hindi ko gusto yong pagkakanta. eh may tama rin yong awit. in a way yong innovation talagang may advantage and disadvantage. siguro masasabi kong mas maraming mapag-uusapan ngayon kasi laging may bago pero mas maraming nagagawa noon kasi kailangan. hahaha! sarap magpiko! mabuhay!
“Yup! Piko forever!”
Gusto ko rin yung kantang yun…
“Hanga talaga ako sa gumawa ng kantang ito.”
walang blog nun pero my DEAR DIARY na tayo..hehehehe no one can beat sa akin pa rin yung autograph tapos ang pinaka intriga dun and WHO IS YOUR CRUSH AND MOST EMBARRASING MOMENT..whahahhah geesh kinikilig ako! hgahahha
Korek! Dear Diary! Hehehe… Oo nga, wala pang friendster pero may authograph. Hehehe…