Kahapon ay nakabili na ako ng July 2008 Issue ng FHM kung saan kasama na ang resulta ng FHM 100 Sexiest Women 2008. Sa isang magazine stand ko pa lang siya nakikita as of kahapon - sa Landmark. Ang ibang tindahan ay wala pa.
Excited akong malaman kung sino ang nanguna ngayong taon na ito, ngunit sobrang excited yata nung nagtitinda, eh kwinento agad sa mga tao na nandun sa magazine stand. Si Marian Rivera nga raw ang Philippine’s Finest ngayong taon. Followed by Katrina Halili and Angel Locsin.
Well, congrats to Marian pero si Katrina Halili pa rin ang gusto ko sanang manguna ngayong taon na ito.
Nakakatuwang magbasa ng Philippine Entertainment Portal o PEP dahil as usual, pinagsasabong pa rin sina Marian Rivera at Angel Locsin.
May balitang nag-aakusa raw ang mga fans ni Angel na madaya ng FHM dahil naungusan ni Marian si Angel. Nakakatawa! Haha. Isa yata yan sa mga “bitter reactions” na nabasa ko. Hay nako, hindi naman siguro pwedeng laging nasa tuktok si Angel. Let’s admit na marami talagang nadisappoint sa paglipat niya sa ABS-CBN, though marami din naman siguro siyang mga naging bagong fans, pero medyo negative na ang tingin sa kanya ng karamihan.
Isa pang naging isyu sa PEP ay ang bumababang percentage daw ng boto ni Angel sa PEP Poll. Nakakatawa nanaman ito. May nagtanong kasi kung bakit daw bumaba ang percentage ng boto ni Angel. Natural bababa yun kapag may bumoto kayna Marian, Katrina, Iwa, o Ehra. Percentage kasi yun.
Sinasabi rin na dahil affiliate achuchu raw ng GMA ang FHM kaya Kapuso nanaman ang #1. Oh my! Lahat na ba ng survey or botohan sa bansang ito ay may dayaan? At least nga #1 si Angel sa Maxim eh.
Pero sa totoo lang, mas gusto ko si Angel kaysa kay Marian. Pero nadisappoint talaga ako sa paglipat niya kaya hindi ko na siya sinusubaybayan ngayon. Parehas naman silang maganda ni Marian, pero naiinis ako kapag sumasayaw si Marian. Siguro pag si Angel ay sumayaw rin ay nakakainis din.
Ah basta, Katrina Halili pa rin ako!
I am Rowjie, 23 years old, a web developer. I love typography and graphic designs. I am currently a web/applications developer, though I still look for better opportunities.




















argh! natalbugan si katrina ah.. ako kay angel! hehehe..
theyre all beautiful..at sana matuwa na lang sila dahil andun pa si angel..hehehe
Maganda is Marian pero it’s too soon na maging top siya. Ahehehe.
Katrina Halili or Angel Locsin will do for me.
I don’t know why but I seem to don’t like them when they speak (Especially speaking in English :P). Yeah, I, too, is an imperfect English speaker but, wala lang, nabobother lang ako. Hehe. I like them, in FHM at least. Harhar.
*edit
Yeah, I am an imperfect English speaker.
Imperfection at its finest. Hehe. Bakit kasi walang edit ang wordpress. Hehe.
thats right alps, napaka awkward nilang pakinggan in english especially marian.
@wei vines
-korek. di naman masama ang position niya doon sa top 100
@johnjan
-korek. baka dahil sa hype lang ng kasikatan ng marimar at dyesebel. tignan natin next year kung kaya niyang i-maintain
@alps and gugmagiatay
-korek. siguro dapat ay itrain sila sa pagsasalita ng english
kakatuwa ang entry mo na ito ha… talagang hinimay ang iyong saloobin. ako rin di ko type si marian pero di ko naman sinasabi n ayaw ko sa kanya. she can dance pero wag naman nilang i-hype na super galing niya. nung napanood ko sa youtube iyong sayaw ni angel sa ASAP mas dating pa nga although lumalabas iyong pagka-action star niya hehe.