Mapaglarong Tadhana

Minsan, natatawa na lang ako kung paano gumagawa ang tadhana ng paraan para magtagpo ng landas ang mga tao. Hindi ko malaman kung nagkataon lang o talagang itinakda ng tadhana.

May mga kaibigan tayo na minsan nakakatampuhan natin. Magkakaayos kayo pero pagkatapos noon ay parang naiilang na kayo sa isa’t-isa. Pero minsan, dumadating ang panahon na magtatagpo uli kayo. Siguro ay itinakda talaga upang ayusin ang dapat ayusin o ibalik muli ang dating pagkakaibigan. Ganun lang talaga siguro ang buhay. Minsan pinaglalayo kayo. Siguro para bigyan ng oras na pahilumin ang mga sugat.

Isang Tugon

  1. agree…pero minsan tao ang gumagawa ng dahilan at way para lagyan ng pader ang kanyang sarili sa iba…kung baga yong every move may katapat na consequence.

    “I agree!”

Mag-iwan ng Tugon