Kaarawan Ni Pepe, Unang Araw Sa Gym, Mapilit Masyado

Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang ika-147 na kaarawan ng ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal. Bakit nga naman hindi araw ng kapanganakan niya ang gawing Rizal Day?

Kahapon ay unang araw ko sa Fatness First. Medyo kabado ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Mabuti at kasama ko si Justine. Hinintay ko muna siya para at least ma-orient naman ako sa gagawin ko.

Siyempre, ang unang gagawin ay magbibihis sa locker room. Totoo nga ang naririnig kong mga kwento. Oh well, normal lang naman yun, depende na lang kung may iba ka pang agenda. Hehe. Since first timer ako, eh natural na mahihiya pa ako magpakita ng aking katawang hindi naman kagandahan. Hehe. Pero siguro pag nagtagal eh normal na lang siguro sa akin.

Salamat kay kaibigang Justine dahil siya ang naging nag-guide sa aking kagabi. Una niyang itinuro sa akin kung saan dapat mag-stretching. Ang sunod naming pinuntahan ay yung parang dance aero na “Retro” ang theme ng mga oras na yun. Masaya kasi madaling sundan ang steps, though kailangan mo ng malambot na bewang dahil panay kembot ang steps. Haha. Mga 3 kanta lang ang naabutan namin. Sayang. Ang sumunod doon ay parang yoga, na di ako masyadong interesado. Gusto ko kasi yung talagang yugyugan to the max. Haha.

Pasensya na kung hindi ko alam ang mga tawag sa mga kagamitan sa gym dahil first timer lang talaga ako. Ang sunod naming ginamit ay ang treadmill. Medyo kinabahan ako dahil baka mahulog ako. Haha. Pero okay lang. Sa susunod ay bibilisan ko na. Yung para bang tumatakbo ka na. Haha.

Sunod naman ay ang mga equipments para sa chest, shoulders, at abs. Good luck na lang noh. Hehe.

Siyempre, it all ends with shower na since hindi ako prepared eh face towel lang ang nadala ko.

Okay naman. I thought na nakakapagod siya after pero it felt good naman, though inantok lang ako kasi alas dos na ng umaga ako nakatulog kahapon.

Sinabay na din ako ni Kaibigang Justine hanggang Coastal Mall. Nakakahiya dahil dumaan pa siya ng Buendia kaysa sa mas mabilis niyang dinadaanan sana. Pero okay lang dahil matagal-tagal na din kaming hindi nakapagkwentuhan.

Masasabi kong masaya ang aking unang araw sa gym. Wala na kasi ako masyadong physical activities ngayon (bukod sa laging sumasakit na mga parte ng katawan) eh kaya gusto ko din mag-gym. Wala naman akong balak na magpalaki ng katawan. Yung tama lang. Ayoko din maging bondat. At siyempre, para healthy ang pakiramdam.

Sa June 28 ay may naka-schedule kaming English Proficiency Training. Okay naman sa akin pero alis kasi ng Daddy ko yun, ihahatid namin sa airport. Gustuhin ko man sanang umattend pero… I know you understand. Siyempre, attached ako masyado sa family ko. Family first ika nga, ang isa sa mga sinusunod ko sa buhay ko. Kung sabihin man ng iba na maarte ako, okay lang. I don’t need their opinions about that.

Ugali ko din ang mahirap magsabi ng hindi. Pero nung tinanong ako doon, ay hindi na ak masyadong nahirapang tumanggi dahil totoo naman ang sinasabi ko. Kung gusto nila ng pruweba, bibigyan ko sila ng pruweba. Gusto kong umattend pero sabi ko nga, family first ako sa araw na yun. Kung gala lang ng family, eh okay lang na di ko puntahan. Pero ihahatid namin daddy ko sa araw na yun. Matagal-tagal uli kaming hindi magkikita.

Medyo na-offend lang ako sa isa sa HR namin kahapon kasi parang pinipilit niya na umattend ako eh sinabi ko na ngang hindi ako pwede nung araw na yun. I mean, that’s a Saturday. Wala naman talagang pasok nung araw na yun. Kaya yung mga bagay na hindi mo magagawa on weekdays eh no choice kundi Sabado o Linggo na lang. You know what I mean?

Ayoko pa naman yung pinipilit ang hindi naman talaga pwede. Okay lang kung kaya kong hatiin ang katawan ko sa dalawa. Okay lang sana kung weekday yung training na yun. Eh kung weekday yun at ayaw kong umattend, okay lang kahit magbutata sila sa akin.

Mag-iwan ng Tugon