Ika-110 Araw Ng Kalayaan

Ipinagdiriwang natin ngayon ang ika-110 anibersaryo ng ating araw ng kalayaan. Hindi holiday ngayon kasi ginawang June 9 ni GMA ang holiday.

Napakabilis ng panahon. Parang kailan lang ng ipinagdiwang ang centennial year ng ating kalayaan, at ngayon ay nasa ika-110 taon na ito. Alam ko na “looking forward” ang marami dito dahil sa holiday – walang pasok. Aaminin ko, kahit ako ay ganun din. Ngunit napag-isip-isip ko din na ito ang araw upang gunitain ang kabayanihan ng mga Pilipino noong unang panahon, kaya malaya tayo ngayon.

Totoong malaya na tayo kaya nga nakakapagblog din tayo. Freedom of speech ika nga. Pero kung kalayaan sa katiwalian? Hindi ko masasabing oo. Nawawalan ng saysay ang mga ganitong okasyon dahil sa mga katiwalian at kahirapan na nangyayari sa ating bansa.

Ganon pa man, eh magpasalamat pa rin tayo sa kalayaang tinatamasa natin ngayon. Pangalagaan natin ito at huwag hayaang maagaw pa.

3 Responses to Ika-110 Araw Ng Kalayaan

  1. HAhahaahahahahah ay nagsabing:

    pwede na rn,,,,,,,,,,,,,,,

    pero sana about ung independence day!!!!!!!!!!!!!!!!!! ok!!!!

  2. nal ay nagsabing:

    sorry!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!d q alam ang araw ng kalayaan ng bansa natin pero sana matandaan q na ito!!!!!!!!!!!!!!!!!
    @—]–,.,.,.,.,.,.,.@—]–,.,.,.,.,.,.,.,.,.@—]–

    thanxxxxx

  3. Pingback: Independent Pinoy « Rowjielogy

Mag-iwan ng Tugon

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>