Paalam Daboy
Sabado, Hunyo 7, 2008 Mga Puna
Nasa banyo ako kaninang umaga nang marinig ko na may nag-uusap sa labas… “Saan nakaburol?”. Kinakabahan ako kapag nakakarinig ng mga ganyang tanong. Narinig ko din na “Wala na si Daboy”.
Namatay na pala si Rudy Fernandez dahil sa cancer. Halos linggo linggo binabalita ang kalagayan niya. Noong una ay akala ng marami na bumubuti na ang kalagayan niya. Ngunit bigla na lang hindi pala.
Hindi ako fan ni Daboy ngunit alam kong malaki ang naiambag niya sa kanyang industriya. Marami ding nagsasabi, at naniniwala naman akong isa siyang mabuting tao. Hanga nga ako sa kanilang magbabarkada eh.
Pero kung titignan natin ito sa positibong paraan, at least, natapos na ang paghihirap niya. At sigurado namang sa langit ang punta niya.
Maraming salamat Daboy! Paalam. Hanggang sa muling pagkikita!
talaga?
nakakagulat naman yang balita na yan. kelan pa?
ha? ngayon ko lang nalaman?
kawawa naman sya… cancer kasi eh!
–
Hay, nagkataon lamang na sikat na tao siya. Pero kung kapitbahay ko namatay, walang pakialam ang mga taong-human.
Hakhak.
Eniweys, okey na rin at nabawasan ang tao sa planeta naten.
elyens
XXXxx