Topak! April Fools’ Day Edition

TopakTopak #16: Magandang araw sa lahat! Ang bilis ng araw! Abril nanaman! At dahil unang araw ng Abril, ngayon ay April Fools’ Day. Well, wala naman akong balak manloko ng iba ngayong araw na ito. Hehe.

Ilang taon ng nakakalipas ng biruin ako ng mga kaibigan ko. Sinabi ng isang kaibigan ko sa akin na naaksidente raw ang isa naming kaibigan. Siyempre, nagalala ako. Naipamalita ko na rin sa iba naming kaibigan ang nangyari. Nagpaplano na akong pumunta sa ospital kung nasaan man yung kaibigan namin.

Maya-maya ay nalaman kong nagloloko pala sila. April Fools’ Day pala nun.

Nawala na ang kaba ko siyempre dahil hindi pala totoo. Pero medyo nagalit din ako sa kanila dahil hindi nakakatuwa ang biro nila. Pero okay na yun ngayon. Hehe. Ang gusto ko lang i-point out ay sana kung may balak kayong magbiro ngayong araw na ito, eh make sure na hindi offending. Well, depende rin naman siguro sa tao yun kung sobrang sports ba siya or may limitations ang mga birong matatanggap niya.

Pero hanga din ako sa mga taong sobrang sports, kagaya ng mga nayayari sa “Yari Ka” ni Michael V. Minsan talaga ay parang di na nakakatuwa yung ginagawa nila sa mga tao pero yung iba eh okay lang sa kanila matapos silang yariin. 

8 Responses to Topak! April Fools’ Day Edition

  1. eloiski ay nagsabing:

    oh yeah!
    April fool’s day!
    Masaya manloko ngaun!

    Oo nga kakaelib mga taong nayayari sa Yari ka. Parang minsan ang tindi nmn na eh.

    ~La lang nakikiraan at nakicomment na rin~

  2. Rowjie ay nagsabing:

    @elosiki
    - hehehe. nawa’y wag mo akong lolokohin. :P

  3. Laarni ay nagsabing:

    heheh. with april fool’s day, you have the right or let’s say you are allowed to fool anyone, kahit daw offending or not, wala ka daw kasalanan lol.

    happy april fool’s!

    ang gwapo mo sa about me page mo. ooops.

  4. angel ay nagsabing:

    blog pa lang nakakapanloko sakin ngayon.. Hehehe..

  5. Rowjie ay nagsabing:

    @laarni
    - fine. sige. pagbibigyan ko na. isang araw lang naman eh. hehe. malabo yata ang mata mo eh. hehe

    @angel
    - nabiktima nanaman ako ng april fools’ day. hehehe…

  6. foobarph ay nagsabing:

    ang cute cute moooooooooo!

    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    .

    dyok lng. ^_~

  7. Rowjie ay nagsabing:

    @foobarph
    - tapos na april fools’ day. wala ng lokohan please. hehehe. :P

  8. koreanmine ay nagsabing:

    3x ako nabiktima :D

    la ako kadala dala to think na napanood ko pa yung spongebob episode na april fools! waaaaa

Mag-iwan ng Tugon

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>