Home > Idol, Kapuso, Pinoy Idol, Pinoy Po! > Cory, Manny… Pinoy Po… Idol.

Cory, Manny… Pinoy Po… Idol.

Tuesday, March 25, 2008 Leave a comment Go to comments

Pinoy Po!Pinoy Po! Ep.16: Kakasakay ko lang sa bus kahapon pauwi ng napansin ko sa TV ang interview nina Kris at Noynoy Aquino sa 24 Oras. Medyo kinabahan ako kasi alam kong may nangyari kaya sila iniinterview sa TV. Pinatay ko muna saglit ang IPod na ginagamit ko at nanood muna ng balita.

Nakakagulat na si dating Pangulong Corazon Aquino pala ay may colon cancer. Nalulungkot ako kapag nakakarinig ako ng ganoong klase ng balita. Kumbaga, apektado talaga ako.

Ika nga, isantabi muna sana ang pulitika at ipagdasal natin ang paggaling ni Cory.

Kakauwi lang ni Manny Pacquiao kahapon mula sa matagumpay nitong laban noong March 16. Medyo kontrobersyal ang pagkapanalo ngayon ng ating pambansang kamao dahil may mga sports analysts na nagsasabi na dapat ay nanalo si Marquez. Ang iba naman ay naniniwala na si Pacquiao talaga ang panalo. Sabi naman ng iba na malaking puntos kay Pacquiao na napabagsak niya si Marquez sa Round 3 ng laban nila. Dikit ang laban. Pareho silang magaling.

Pero sa kabila ng lahat, ang mahalaga ay nakapagdala uli ng karangalan para sa ating bansa si Manny. Sabi nga nila, tuwing may laban daw si Manny ay 0% crime rate sa pinas, walang trapik, at nagkakaisa raw ang mga Pilipino.

Sa April 5, 2008 ay magsisimula na ang “Pinoy Idol” sa GMA-7. Ito ang pinoy version ng sikat na sikat na “Idol franchise”. Ang mga judges ay sina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, at Wyngard Tracy. Si Raymond Guttierez naman ang host nito. Pagkakataon na ng mga Pinoy para idolohin. Katulad ng Pinoy Big Brother at Pinoy Dream Academy, kaabang-abang ang mga pinoy version ng ganitong klase ng mga programa dahil gusto natin kung paano ito ieexecute dito sa pinas. Siyempre, ipinapakita rin sa mga ganitong klase ng palabas na kaya rin ng mga pinoy na makipagsabayan sa iba’t-ibang mga bansa.

Sa April 4, 2008 naman ay isang taong anibersaryo na ng aking “Pinoy Po!”. Ang bilis ng panahon. Isang taon na pala. Hehehe. Sa araw na yon ay babalikan natin ang lahat ng episodes ng “Pinoy Po!” sa nakaraang isang taon. 

  1. Tuesday, March 25, 2008 at 11:08 am | #1

    wow! lapit na anniversary! hafi aniv! :D

    wawa nmn c tita cory! Y_Y

  2. Tuesday, March 25, 2008 at 11:59 am | #2

    @vanny
    - thanks! oo nga eh. sana gumaling siya :(

  1. No trackbacks yet.