Pinoy Po! Ep.15: Lalong sumikat sa mga Pinoy ang “American Idol” ng mapabilang bilang mga kalahok sina Jasmine Trias at Camille Velasco noong Season 3. Ngayong Season 7 na ng American Idol, ay tiyak na mas marami pang manonood nito dahil sa ito ay mapapanood na sa isang local channel (QTV Channel 11), ito ay nasa primetime, at dahil may isa nanamang Pinay na kalahok – si Ramiele Malubay.
Kapansin-pansin talaga si Ramiele dahil ang hitsura niya ay naiiba sa lahat ng mga kalahok. Mukha talaga siyang Filipina. Pero siyempre, bukod sa hitsura, eh maipagmamalaki rin naman ang kanyang talento sa pag-awit. Wala na sigurong duda doon dahil napasama na siya sa Top 24 ng American Idol Season 7.
Isa yan sa mga rason kung bakit “adik” ako sa panonood ng American Idol ngayon. Sana ay maging maganda palagi ang mga performances niya at sana ay magtuloy-tuloy ito sa pagiging American Idol.

Si Olivia naman ay isa sa mga bagong Pinay singers ngayon. Pop Jazz naman ang kanyang genre. Naging interesado akong pakinggan ang kanyang album dahil sa ibang genre naman ang kanyang handog para sa ating lahat. (Tulad nung nauso bigla ang Bossa Nova sa Pilipinas)
Hindi lang basta-bastang singer itong si Olivia. Binasa ko ang kanyang Multiply site at marami pa akong nalamang mga bagong bagay tungkol sa kanya which impress me. At bukod pa dun, eh mukhang mabait siya sa mga ordinaryong taong tulad ko na humahanga sa kanya. Kung patuloy na palaging nakatapak ang kanyang mga paa sa lupa, ay siguradong tatagal siya sa industriyang ito, at dadami pa ang hahanga sa kanya.
Inihanay sa: American Idol, Pinoy Po!, Soundtrip, Television | Minarkahan: Olivia, Ramiele Malubay












ako din kaya pinapanood ko na ngayon ung AI!!!
go ramielle hehehehe