Topak #14: Kagabi ay nag-LBM ako pagkatapos ng aking trabaho… LBM, as in Looking for Better Management. Kaya medyo napalayo ako sa Ayala Avenue kung saan ako madalas sumasakay pauwi. Sumakay na lang ako ng jeep papuntang Landmark at sa terminal na lang na malapit sa SM Makati ako sumakay pauwi.
Wala lang. Usual lang naman ang naganap. Maya-maya ay bumigat ang daloy ng trapiko pagdating sa Pasay. Napatingin ako sa labas. Nakita ko ang isang pawnshop kung saan pwede kang mag-sangla ng mga techy gadgets mo. Pwede cellphone, ipod… at nakalagay sa karatula, pwede rin ang “Nintendo Wee”. Hahaha. Sayang at hindi ko nakunan ng larawan. Pero itatry ko sa susunod na mapahinto uli ako sa unahan ng pawnshop na yun.
Napaisip na lang ako bigla na siguro ay medyo naging seryoso ako noong mga nakaraang linggo. Nagsimula ng umappear sina eye bags pati na rin ang isang puting buhok. Ayoko mag-isip ng masyadong seryoso ngayon. Gusto ko isipin ang mga masasayang bagay… at mga kalokohan. Hehe.
Ito talaga ang rason kung bakit isinama ko itong “TopaK” dito sa Rowjielogy. Naniniwala kasi ako na kahit papaano ay kailangan din nating tumawa kahit marami tayong problema. Pampabata ang pag ngiti o pag tawa palagi.
Pero siyempre, mas masaya kung madedeposit ko na ang sahod ko mamaya. Hahaha. Mahirap na kung bukas kasi may rally nanaman dito sa Makati ang mga anti-Gloria.
Aliw na aliw din ako ngayon sa panonood ng American Idol sa QTV. Hehe. Medyo nasimulan ko kasi siya mula nung auditions kaya eto, ayokong mapalagpas ang isang episode. Siyempre, let’s support Ramiele Malubay (siyempre Fil-Am). Pero marami din magagaling na babae. Pero siyempre siya ang bet ko sa mga babae. Sa mga lalaki naman, gusto ko sina David Archuleta at Danny Noriega.
Inihanay sa: Television, Topak











