Pinoy Po! Episode #14: Marami mang problemang kinaharap ang ating bansa noong nakaraang taon, ay hindi rin naman natin maitatanggi na marami tayong mga kapwa Pinoy na nagdala ng karangalan sa ating bansa – sa sports, sa entertainment, at kung saan saan pa. Siguradong may Pinoy na namumukod tangi sa anumang larangan.
Minsan, napapaisip ako na kung kaya naman ng mga dayuhan na maging kilala sa buong mundo, eh siguradong kayang kaya din ng mga Pinoy. Kung talento lang naman ang pag-uusapan diba, eh marami talagang Pinoy ang mahuhusay. Kulang lang siguro sa exposure at suporta kaya minsan, hindi napapansin sa ibang bansa ang galing ng Pinoy.
Kaya naman nakakatuwa talaga kapag may Pinoy na nakakapasok sa international scene. Kapag ganun, ay parang nabubuhayan tayo ng pag-asa na maraming Pinoy pa ang pwedeng sumunod sa yapak nila, kasi nga alam natin na marami talaga ang magagaling na Pinoy.
Pero sana, hindi lang doon makilala ang Pinoy, sana makilala din ang mga Pinoy na mahuhusay academically. Oo, maraming Pinoy ang nagpapahanga ng mga dayuhan sa ibang bansa dahil sa husay at talino. Pero tignan natin ang sitwasyon ng edukasyon sa bansa natin ngayon. Masasabi ba natin na ito ay gumaganda? Alam ko na kailanman ay hindi namang masasabing pangit ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Pero sana huwag naman dumating sa pagkakataon na mawala ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas ng unti-unti.
Aminin na din natin na ang tingin sa atin ng iba ay mga domestic helpers. Mahirap naman kasi talaga ang buhay sa ating bansa ngayon, kaya napipilitan na lang ang iba na mangibang bansa. Pero wala namang masama dun diba? Sa totoo lang, maaruga ang mga Pinoy.
Nung isang taon lang ng ipalabas ang kontrobersyal na episode ng Desperate Housewives, kung saan ay tila minata-mata ang mga “medicine schools” sa ating bansa. Marami talaga ang nagalit lalo na’t di naman maikakailang mahuhusay ang mga PInoy doctors and nurses.
Pero napanood ko sa TV, bago daw tayo mag-react, eh tignan muna natin ang ating mga sarili kung hindi din ba tayo nagmamata ng ibang lahi… Diba? Kahit tayo din naman ay ganun sa ibang lahi.
Anyway, sana ay maging maganda ang taong 2008 para ating lahat. Pero siyempre, di rin naman basta-basta mangyayari yun kung hindi tayo magsisipag at magdadasal.
Inihanay sa: Pinoy Po!












3 weeks ago, may kliyente ako, dalawang arabo, taga-kuwait, tinanong ako, kung pilipino ba daw ako, sagot ko, OO! then nag-comment siya na ang mga filipina daw, magaling lang daw, sa pagiging Housemaid. ouch! sagot ko sa kanya, di niya pwedeng i-generalize lahat ng filipina, then tinanong ko siya, ilang filipina ba ang kilala niya? ang sagot niya 2. sagot ko, see? paano mo masasabi na ang filipina ay sa pagiging housemaid lang magaling kung 2 lang filipina lang ang nakikilala niya sa buong buhay niya? then tinanong ko siya, what if, tawagin ko siyang terorista?(kasi ang yung ang pagkakakilala sa mga muslim). and then, he just said, you have a point. and he said sorry for the “housemaid” comment.
sorry napahaba! hehe!
@akil
- nice anecdote. hehe.