Mga Pwede Pang Gawan Ng Remake Sa TV

rh_tpk.jpgTopak #10. Tila usong-uso ngayon sa TV ang paggawa ng remake. Maaaring:

  • Ito ay napalabas na dati sa telebisyon na ginawan ng remake.
  • Ito ay isang pelikula dati na ginawa ng serye sa TV.
  • Ito ay hango sa isang komiks.

Halos lahat ay ginagawan na ng “remake”, kagaya ng MariMar. Ang MariMar ay sikat talaga noong unang ipinalabas yun sa Pilipinas. Ika nga, yun ang nagbigay daan sa mga Mexican telenovelas sa ating bansa. Pumatok kasi mabilis ang takbo ng kwento. Di tulad ng mga Pinoy soap operas noon. Nakakabored. Pero nagimprove na ang Pinoy soap operas ngayon kasi hindi na umaabot ng taon ang isang serye.

Pati Princess Sarah ay ginawan na din ng remake. Naalala ko noon na lagi kong inaabangan yun tuwing hapon.

Tutal, puro remake naman ang uso ngayon, ano pa ba ang maaaring gawan ng remake???

  • Bananas In Pajamas… Sina B1 at B2. Haha. Pwedeng sina Richard at Raymond Guiterrez ang gumanap na B1 at B2, tutal kambal naman sila. Wala pa akong idea kung sino ang magandang gumanap na Lulu, Amy, at Morgan. Siguro dapat idaan sa audition. Pati na rin ang role ni Dodeng Daga. Grabe, challenging roles yun kung kanino man mapupunta ang role. Haha!
  • Okay siguro kung bubuhayin sa TV ang mga characters sa Funny Komiks.
  • Gawan na din ng remake ang Batang X! Haha. Tsaka Bioman, Ultraman at Magmaman.
  • Gawing series na din ang Mojacko, Doraemon, at Hamtaro. Okay yun kung drama.

15 Responses to Mga Pwede Pang Gawan Ng Remake Sa TV

  1. vanny ay nagsabing:

    wwaaaahhh.. sina richard at raymond, lagingmagkasama.. nyay.. pwede! hahaha

    gusto ko doraemon!! hehehehe.. sino ang gaganap na damulag?? hehehe.

    uyy.. si justine! nasa china na pala.. eto at kachikahan ko sa YM! hehehe.

  2. Rowjie ay nagsabing:

    @Vanny
    - oo nga eh. sosi. hehe. wag lang makakalimutan ang mga pasalubong natin. hehehe…

    si damulag? Pwedeng magpa-audition. Hehe. Ang tanong, sino ang gaganap na Doraemon???

  3. cdy173 ay nagsabing:

    korek ka dyan uso nga mga remake na teleserye ngayon wala na ata maisip ang mga producer,writer o kung sino man

    but i like the idea na remake ng banana n pajamas..soo cute!

  4. Rowjie ay nagsabing:

    @cdy173
    - korek! hehe! attention gma an abscbn!!!

  5. Yom ay nagsabing:

    I love the idea of the remake version of Bananas in Pajamas. Kewl. :D

  6. Rowjie ay nagsabing:

    @Yom
    - Haha. Thanks! What if nga kaya noh? Hehehe…

  7. pinoyjetsetter ay nagsabing:

    ayos yan… si richard si B1, naka Bench striped jeans, si raymond si B2, naka-dolce and gabbana na overhaul at shu uemura eye lash! hahaha ayos…

  8. tim ang ay nagsabing:

    si bearwin meilly yung gawin ng mojacko.

  9. Rowjie ay nagsabing:

    @pinoyjetsetter
    - Ayos sa sponsors ah. Hehehe…

    @tim ang
    - pwede rin! eh sino kaya si momonja?

  10. epam70 ay nagsabing:

    sana ibalik ang batibot…

  11. Rowjie ay nagsabing:

    @epam70
    - korek! kaya lang wala na sina kiko matsing at pong pagong :(

  12. epam70 ay nagsabing:

    baka inulam na sila sa kahirapan natin ngayon…

  13. Rowjie ay nagsabing:

    @epam70
    - Hehe. Pero seriously, kahit ako gusto ko rin ibalik yung Batibot. Buti na lang naabutan pa natin yun noon. Mas mabuti na ganun ang pinapalabas sa TV ngayon kaysa kung anu-ano lang…

  14. epam70 ay nagsabing:

    add kita sa blogroll ko…

  15. Rowjie ay nagsabing:

    @epam70
    - thanks! i’ll add you up to! :)

Mag-iwan ng Tugon

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>