Episode #10: Ayan, nakikita na natin ang kanya-kanyang mga Christmas station IDs ng GMA at ng ABS-CBN sa ating mga telebisyon. Malapit na talaga ang Pasko. Hay, ilang linggo na akong nagbabalak na gumawa ng aking Christmas list pero hindi pa rin ako nakakapaglista hanggang ngayon. Hehe…
Sinasabi ng marami na sa Pilipinas raw pinakamatagal na ipinagdiriwang ang kapaskuhan. Mapapansin natin na kahit more than 100 days to go before Christmas ay may gumagawa na ng mga Christmas countdowns. Oktubre pa lang ay makikita mo na sa mga pamilihan ang mga nagbebenta ng mga Christmas decors. Pagkatapos ng Undas ay mapapansin na marami na sa atin ang nagsisimula ng mag-decorate ng mga bahay. Kaya siguro ang saya-saya magdiwang ng Pasko dito sa Pilipinas. Lalo mo na itong mararamdaman pagsapit ng Disyembre, sabay pa ng paglamig ng panahon. At lalo na talaga kapag simula na ang simbang gabi.
Nung bata pa tayo, excited tayo sa Pasko dahil naiisip natin ang mga regalong matatanggap natin. Ngunit sa paglipas ng mga taon, kahit papaano ay nagbabago na ang pananaw natin sa Pasko. Siguro ay mas nauunawaan na natin ang tunay na kahulugan nito, ngunit yung kasiyahan ay hindi nagbabago. Ngayon, hinihintay ko talaga ang Pasko dahil masayang okasyon yun para makapagsama-sama kaming magkakamag-anak. Tsaka kasi parang ang saya-saya ng buong paligid…

Ito po ang Paskong Pinoy, maipagmamalaki natin sa buong mundo. Sa mga susunod na episodes ng Pinoy Po! ay pag-usapan pa natin ang Paskong Pinoy, para sa mahihirap, sa mga nasa ibang bansa, at sa iba pang sitwasyon ng ating mga kapwa Pinoy.









