
“All you need is Pride!” ika nga ni Judy Ann Santos sa commercial niya ng sabon na Pride. Ngunit wala itong koneksyon sa episode ng Dear Blog ngayon.
Dear Blog,
Kamusta? Hay, unang araw na ng Oktubre. Ang bawat simula ng buwan ay itinuturing ko bagong simula para sa akin. Not necessarily na magbabago ako, pero parang nagdadala ang unang araw ng buwan ng bagong pag-asa.
Anyway, speaking of pride… Wala lang. Ano nga ba ang pride? Ito ba yung “ipinagmamalaki”? Kasi diba, sinasabi ng iba kunwari, “the pride of the Philippines”. Hmm, parang ang nais ipahiwatig ay ipinagmamalaki ng Pilipinas. So ibig ba sabihin nito ay hindi negative ang salitang “pride”? Kasi diba madalas nagagamit din yun kapag kunwari may isang tao na ayaw magpakumbaba? Yung bang “Masyado kang ma-pride”.
Kung sa sarili mo, tingin mo ba may pride ka ba dapat? Siguro dapat meron, pero minsan siguro dapat hindi umaapaw.
Hindi masama ang magbigay ng tulong diba? Pero was there a time in your life kung saan ayaw niyo ng may tumutulong sa inyo? May times kasi minsan diba na nagkakaroon yun ng epekto sa taong tinutulungan mo. I mean, parang nawawalan ka ng kompyansa sa sarili mo na magagawa mo eh. Kasi kaya mo naman diba? Hindi ka naman humihingi ng tulong actually. Pero sabi ko nga, maganda naman yung tumutulong din eh. Pero why can’t they be sensitive enough of what I’ll feel? I mean, some things make me feel that I can’t do and achieve some things alone by myself. I do appreciate their help and concern pero sana understand din po na may effect din sa akin ang mga nangyayari. Kelan pa ako matututo diba na magdecide on my own? I mean, I want to experience things din naman kasi through experience ako matututo.
Anyway, on a lighter note, ito ang mga larawan naming magkakaibigan noong Sabado. Hehe. Mapapansing walang larawan na kami ay kumpleto. Kaya ayan, kailangang hawakan ng bawat isa ang camera. Hehe. Salamat sa aking kaibigang si Kim para sa mga larawan.

Rowjie
Inihanay sa: Dear Blog Series, Saturday Night People












And again I am absent…
Sorry for that. But hey, it’s my month (Getting older) so I’m obligated to show my face to the SNP and fatten your tummies.
Abangan.
haha. talagang obligated noh? hehe. don’t you ever try to fatten my tummy! or else…
@Johnjan
I’m sorry… Fat na pala. hehehehe
Hoy! Payat kaya! Walang bulges. Hmp!