Depressed? Magshopping!

dearblogseries.jpgDear Blog,

Wala lang… Biyernes nanaman – Thank God It’s Friday ika nga. Tapso sweldo pa… nila. Huhu. Miss ko na ang sumahod. Sana ay makahanap na uli ako ng trabaho.

Miss ko na ang magshopping (kadalasan ay window shopping) tuwing gabi sa Glorietta o SM Makati. Yun kasi pang tanggal ko ng aking stress at depression. Ewan ko ba kung ano meron sa paggastos kaya nawawala kahit papaano ang stress o depression. Hindi kaya pera ang may dahilan ng stress at depression? Wehehe…

Pati ang iba kong mga kaibigan ay ganyan din ang prinsipyo – kapag depress, magshopping! Haha. Para naman sa akin ay walang masama doon, kung pinaghirapan mo naman yung pera mo para doon diba? Why not? Atsaka sabi nga nila, reward mo na sa sarili mo yun eh. Basta lang wag mong uubusin pera mo dun ha. Hehe.

Naalala ko noon na pinag-usapan namin ng ilan sa mga college friends ko ang tungkol sa luho. Masama nga ba ang maging maluho? Ang pananaw ko naman ay hindi naman masama yun basta kaya mo naman tustusan ang luho mo. Lahat naman siguro tayo may luho. Masama lang yun kunwari wala ka ng pera eh inuuna mo pa rin luho mo. Kumbaga, wala naman sigurong masama doon kapag meron ka naman.

Ayun. Wala lang. Weekend nanaman. Hehe. Ano kaya magandang gawin this weekend? Naku, Oktubre na pala sa susunod na linggo…

Rowjie

8 Responses to Depressed? Magshopping!

  1. onat ay nagsabing:

    Mine’s different, I rent and buy movies. Lagi rin pagtapos kong magsine, di ako mapakali kung uuwi akong walang dalang movie. Adik kung baga. :D

  2. rowjie ay nagsabing:

    ah. ako naman nanonood ako ng movies pag happy ako usually. or kung naghahanap ako ng movie kung saan makakarelate or maiinspire ako. :)

  3. onat ay nagsabing:

    Kahit anong movie pwede sakin, wag lang patuwitams na jologs-tagalogs. ;)

  4. Rowjie ay nagsabing:

    haha. pero minsan pag napagtripan nakakatawang manood ng mga jologs na movies. hehehe…

  5. onat ay nagsabing:

    Pag no choice talaga. LOL =))

  6. Rowjie ay nagsabing:

    haha. buti na lang di ako masyadong mahilog manood ng sine. hehe…

  7. vanny ay nagsabing:

    uyyy.. usapang luho pala eto.. hihi. now ko lang to nabasa.. :)
    newei, korek ka jan rowell! pagtanggol mo ako.. inggit lang cla kc wala cla pambili ng luho nila. harhar.

  8. Rowjie ay nagsabing:

    haha. walang pakialamanan ika nga. hehe. @ vanny

Mag-iwan ng Tugon

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>