Unang “Dear Blog”

Tada! Welcome sa unang “Dear Blog”. Pansamantala muna tayong umalis sa mga “departments” ng Rowjielogy upang makapagbigay daan sa Dear Blog!

Dear Blog,

Hay. Ang sarap matulog dahil medyo malamig.  Akala ko ay nananaginip ako kaninang umaga. Kinakausap na pala ako ng momy ko. Tinanong niya ako kung aalis ba raw ako mamaya. Sabi ko “Oo”. Tapos tinanong niya kung kakain na ba raw ako. Sabi ko “Oo”. Maya-maya ay medyo nagkamalay na ako at iniisip kung bakit gising na ako ng 4:30 am. Wah! Sumagot ako sa mommy ko ng tulog pa ang kalahati ng katawan ko! Oo, aalis nga ako ngayon pero mamaya pang hapon. Bumalik na lang ako sa mahimbing kong pagkakatulog.

Hindi na ako nagakapg-review kagabi sa sobrang antok ko. Kaasar. Nagrereview pala ako dahil may interview ako mamaya. (Wish me good luck!) Hindi ko alam kung sa HR o isa ba yung technical interview. Mabuti na ang handa kaysa wala nanaman akong masagot. Hay, minsan kasi nakakahiya kapag hindi mo masagot ang mga tanong sa interview. Para tuloy ulit akong estudyante ngayon – todo review. Pero totoo nga na kapag nagtatrabaho ka na, eh minsan gugustuhin mo na lang maging isang estudyante.

Malaking temptaion din sa akin itong computer. Ang laki kumain ng oras. Haha.  Hay, dapat may ireresearch ako eh. Pero eto ako, nagbablog. Hahaha. Hay naku, sana namanmaganda ang outcome ng interview mamaya. Babalitaan kita kung ano mangyayari!

Rowjie

2 Tugon

  1. Good Luck sa Interview. Hmmm, hindi kaya ako ang mag-interview sa’yo? hehehe.

  2. sige, ikaw na lang @sexcess

    dalian mo ang mga tanong ha. hehehe

Mag-iwan ng Tugon