Straight From Within Ep.11

Good day! I want to do this post in Tagalog. I think kasi mas ma-e-express ko siya ng maayos kapag Tagalog ang ginamit ko.  I really want to be honest kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Para at least man lang ma-i-release ko siya kahit papaano.

Medyo maraming mga bagay ang bumabagabag sa akin recently. Maaalalang nagsara ang aming opisina noong June. Hindi ako naghanap agad ng trabaho dahil payo sa akin ng aking doktor na magpahinga muna. Okay naman siguro na magtrabaho agad ako pero huwag lang ako magpapagod masyado, which is mahirap sa trabaho ng isang programmer dahil madalas ang overtime.

Salamat sa Diyos at medyo bumuti na ang katawan ko. Kaya medyo nagsisimula na rin akong maghanap-hanap ng bagong trabaho. Ang isa sa mga pinakarason ko ay dahil nalalapit na ang Pasko. Sa totoo lang kasi, paborito kong okasyon ang Pasko. Siguro noon dahil alam kong marami akong matatanggap na regalo. Pero matanda na ako.  Pero lagi ko pa rin pinaghahandaan ang Pasko dahil masaya ako pag dumarating ito.

Isa pa sa mga rason ko ay makatulong din kahit papaano sa mga gastusin sa bahay. Kung sarili ko lang naman ang pagkakagastusan ko, eh siguro gugustuhin ko pa ang konti pang bakasyon. Pero ayoko din naman yung nanadito lang ako sa bahay. Siyempre, nasanay na din naman ang katawan ko na may ginagawa.

Kamakailan ay may trabaho akong inapplyan sa Ortigas. Pirma na lang ang kailangan ko at makakapagtrabaho na uli ako. Pero nalalayuan talaga ako sa lugar. Pakiramdam ko pag-uwi ko ay bagsak na ako. Hindi pwedeng ganun. Ma mga responsibilidad pa ako sa bahay pag-uwi ko, at may iba pa akong kailangang gawin. Hindi pa bumabalik ang katawan ko sa dating lakas. Di ko nga alam kung babalik pa. Ito rin ang sabi na aking mommy… Malayo daw. Alam kong concern siya sa akin, at ipinagpapasalamat ko iyon. Nakakalungkot lang dahil kahit papaano nakadama na ako ng saya dahil akala ko makakapagtrabaho na uli ako. Pero hindi pa rin pala. Pero sabi ko nga, di ko naman minasama ang pag-alala ng aking ina.

Masakit din doon ay dahil akala ko makakasama ko uli ang kaibigan ko sa trabaho. Napag-usapan na namin yun kaya itinuloy namin ang application namin doon. Nauna lang siya sa akin at naka-oo na siya doon. Pero ako, hindi ko itinuloy. Hanggang ngayon ay tila binabagabag ako ng konsensya ko. Pakiramdam ko ay nang-iwan ako sa ere. Isa ito sa mga rason kung bakit nahirapan akong tanggihan ang magandang offer. Kasi kung wala din naman yung kaibigan ko doon, hindi problema sa akin na tanggihan yun.

Kaya parang back to zero ako sa paghahanap – walang katapusang exams at interview. Nakakadepressed kapag alam mong pumalpak ka sa test o interview. Pakiramdam ko minsan ang bobo ko. Pakiramdam ko minsan hindi pa sapat ang nalalaman ko. Minsan di ko alam kung saan ako pupulutin.

At yun ang isa sa nakakatakot – kapag depressed ako. Bibilhin ko ang makita kong gusto ko. Ibig sabihin, gagastos talaga ako. Pang-alis ba ng stress. Kahit nung college ay ganito na ako.

Medyo mahirap maghanap ng trabaho ngayon, lalo na’t patapos na ang taon. Naranasan ko na ito noon dahil ganitong mga panahon rin nung naghanap ako ng una kong trabaho. Inaappreciate ko naman kung may “ibang” nagsasabi na “Apply ka dito sa kumpanyang ito… blah blah blah!”. Marahil ay gusto nilang makatulong. Pero minsan iba ang epekto nun sa isang tao. Parang inaalisan mo siya ng kumpyansa sa sarili niya. Maaari mong sabihin na ma-pride ang isang tao pero siyempre, may mga tao kasi na gusto nilang gawin ang lahat para sa sarili nila… yung bang mapatunayan na kaya nila. Hindi naman siguro masama yun kahit papaano.

Kumbaga ako, alam ko kung ano ang gusto kong trabaho. Gusto ko, makahanap ako ng trabaho sa sarili kong pamamaraan kasi ako ang nakakakilala sa sarili kong kakayanan. Actually, di ko ipinagmamalaki kung ano ang alam ko eh. Ang hanap ko talaga ngayon ay lugar kung saan ako mas lalo pang matututo sa bagay kung saan ako intereseado.

Lalo na sa mundo ng Information Technology (IT). Hindi dahil IT graduate ako ay pwede ko ng applyan ang lahat ng job openings para sa IT. Masyadong malawak ang IT – may networking, database, programming, etc. At kahit programming ay malawak pa rin – web development, software development. At hindi pa rin tapos dahil kahit web development ay medyo malawak pa rin – anong programming language ang alam mo? etc. Kaya kahit marami ang openings for IT, hindi ka pa rin makakasiguro kung meron ba sa iyong “specialization”.

Hindi naman ako tamad eh. Naghahanap naman ako ng trabaho. Pero siyempre, di naman lahat pwede kong pasukan eh.

Eto na rin ang rason kung bakit ako madalas umalis kasama ng aking mga kaibigan kapag Sabado ng gabi. Gusto ko lang huwag isipin ang mga bumabagabag sa akin kahit ilang oras lang. Masaya ako sa mga kaibigan ko. Matagal ko na rin sila nakasama kaya kilala na namin ang isa’t-isa.

Nakakatampo lang minsan kapag may ibang hindi nakakasama sa amin. Pero iniintindi na lang namin kasi siyempre, may kanya-kanya na rin kaming buhay sa ngayon. Nakakalungkot lang na kapag iba naman ay nasasamahan nila pero pag kami, hindi. Okay lang. Pangit naman kung pipilitin mong sumama ang isang tao sa iyo diba? Nakakalungkot din kapag yung iba naman ay feeling nila ay wala na silang kaibigan, samantalang heto naman kami naghihintay para sa kanya.

Medyo gumugulo din sa akin ang isa ko pang nararamdaman… Yung bang may galit o inis ka sa isang tao, na iisipin mo kung anong gusto mong mangyari sa kanya – yung mapagalitan, maparusahan, etc. Pero pag nandun na sa point na yun, eh parang di mo naman kayang makita siya ng ganun dahil nakakadama ka ng awa. Hay. Isa ito siguro sa weakness ko bilang isang tao.

Bawat araw na nagsisimula ay nagdadala sa akin ng bagong pag-asa. Naniniwala naman ako doon eh. Pero minsan, hindi lang maiiwasan ang mga bagay na magpapahina ng iyong kalooban…

3 Tugon

  1. i know in time makakakuha ka ng trabaho. magaling ka at don’t think otherwise. darating din yang perfect job for you.

    andito lang ako lagi. =)

  2. thanks jeromz! hehe. hope to meet with all of you guys again soon! sana mas matagal tayong magkuwentuhan. hehehe… :)

  3. We should meet when you’re depressed, magtuturo ako. Heheh :d jokejoke

    I agree with you on the specialization part on IT. It’s just too vast, and almost everyday may bago lagi. Kaya mo yan, makakahanap ka rin. ;)

Mag-iwan ng Tugon