Rowjielogy Presents Ep.2

d15_rowjielogypresents.jpgConversation With Myself

“Conversation with Myself” is one of the original departments when Rowjielogy started in 2006. As the name suggests, this is about Rowjie’s heart to heart conversation with Rowjie.

Dear Rowjie,

Kamusta ka na? Matagal-tagal na akong hindi nakakasulat sa iyo ha. Well, ako naman eto, ganun pa rin. Kamusta na ang sakit mo? Sana ay pagaling ka na para bumalik ka na sa dating sigla. Kaya mo yan. Wag lang kakalimutang uminom ng gamot at kumain ka ng tama.

Naiintindihan ko kung medyo marami kang iniisip sa ngayon. May ilang hindi magagandang bagay ang nangyayari sa inyong magkakaibigan kamakailan. Kay aniyong lagpasan ang lahat. Basta, huwag niyong kakalimutang magdasal. Nawa’y lagi niyong susuportahan ang isa’t isa.

Kailan ka maghahanap ng bagong trabaho? Magpapasko pa naman. Hehe. Pero alam kong may inaatupag ka pa rin sa bahay na isang malaking proyekto, kasama ang iyong kaibigan. Sana matapos niyo iyan at magtagumpay kayo sa nais niyong mangyari kaugnay ng proyektong iyan. Huwag kayong basta-bastang bibigay.

Balita ko ring nasa stage of “moving on” ka raw. Pero tingin ko maganda naman ang rason mo kung bakit mo pinili yan. Sabi nga sa isang text message na natanggap ko kanina, sa pagmove on daw, hindi raw nanganaghulugan na yung mga taong gusto mo ng iwasan ay masasama. It simply means raw na the story is over… Pero kahit over na siguro yung kwento, malamang pwede ring may next chapter pa. We don’t know what will happen. Pero hopefully, ang lahat ay para sa ikakabuti at ikakasaya ng lahat.

Di rin kita masisisi kung may galit o tampo ka sa ilan sa mga kaibigan mo ngayon. Pero sana mapagusapan niyo yan kasi sayang din naman ang mga napagsamahan niyo.

Sige Rowjie, hanggang dito muna. Aasahan ko ang agaran mong pag-reply sa aking liham. :)

 Rowjiefully Yours,
Rowjie

3 Tugon

  1. naiinip na si rowjie…asan na daw reply mo..LOLz

  2. asteeeeg, lol. haha balik laughtrip ba ito rowjie? joke lang. :)

  3. I missed this!

    Nako, I hope everthing is going well Rowjie!

Mag-iwan ng Tugon