Topak #6

d15_topak.jpgAng Paglipad Ng Anghel

Napakalaking balita talaga ang paglipat ni Angel Locsin mula sa GMA papuntang ABS-CBN. Sa totoo lang ay medyo nakakasawa na ang balitang iyan ngayon. Pero baka naman kasi sabihing huli ako sa latest showbiz news (who cares?!) eh babasagin ko na ang katahimikan ko. (Ngek, as if naman may naghihintay ng opinyon ko. Haha. At as if mababago ko ang takbo ng mga pangyayari ngayon).

Nagsimula ang lahat sa tsismis na lilipat na nga raw sa dos itong si Angel. Marami ang hindi naniwala kasi siyempre hindi mo iisiping lilipat si Angel kasi isa siya sa mga reyna ng GMA. Halos lahat ng magagandang proyekto ay ibinigay sa kanya. Alagang alaga siya ng GMA. So sino ba ang maniniwala na lilipat nga siya?

Isa-isahin natin ang mga involve sa balitang ito.

Angel Locsin – Maraming katanungan ang gumugulo sa ilan dahil wala pa tayong naririnig kay Angel dahil nasa ibang bansa siya. Ang madalas na nagsasalita sa kanya ay ang kanyang manager na si Beck Aguila. Iba pa rin kung kay Angel mismo ang sasagot sa mga intriga. Sinasabing dahilan ay wala raw siyang pahinga. Ako ay nanonood sa GMA at napanood ko kung paano siya sumikat. Totoo na sa bawat pagkatapos ng isang soap ni Angel ay matagal siyang hindi nakikita sa telebisyon. Ngayon, kung may iba pa siyang ginagawa eh malamang nga desisyon na ni Becky yun. Hindi naman nakikita si Angel sa SOP na sumasayaw o kumakanta. Tulad nina Richard Gutierrez na pagkakatapos ng isang soap ay matagal din hinding nakikita. Nababalitaan lang na pumupunta ito sa ibang bansa. Lahat naman siguro sila may pahinga. Ngayon, kung may problema man, bakit hindi niya sinabi sa mga executives ng GMA? Diba wala namang nabalitang lumapit si Angel sa mga executives para sabihin ang mga hinaing niya?

Sabi nga sa patalastas niya ng Centrum, “Marami na akong ginagawa, pero marami pa akong gustong gawin.” Yun naman pala Angel eh! Ano ang sinasabing pagod na pagod ka? Ikaw na mismo nagsabing marami ka pang gustong gawin. LOL

Becky Aguila – Pasensya pero tingin ko sa kanya ay mukhang pera. Matatandaan na nagkaroon na sa kanila ng isyu ni Angel tungkol sa pera. Napaplastikan ako sa kanya kapag umiiyak siya sa telebisyon. Ang sarap batuhin ng TV. Sinasabi niyang masakit sa kanya ang desisyon na gagawin nila. Siya pa mismo ang nagparamdam sa ABS-CBN. Hindi naman pinabayaan ng GMA ang alaga niya eh. Sino ba naman ang magdedesisyon para masaktan lang ang sarili niya. Kaya parang malinaw na mukhang pera si Becky Aguila. Ika nga, “looking for greener pastures means looking for greener money”.

GMA Channel 7 – Kahit sabihin nilang hindi sila bitter sa paglipat ni Angel, ay talagang maniniwala. Siyempre, malaking kawalan talaga si Angel sa istasyon, aminin man nila o hindi kaya ganun na lang kalaki ang balitang ito. Kung yung ibang artista na hindi pa ganoon kasikat ang lumipat, eh hindi namanganito kalaki ang isyu diba? Sabihin nating si Judy Ann Santos ay lumipat sa GMA. Ewan ko na lang kung hindi yayanig ang showbiz. Pero sabi nga nila, life still goes on without Angel. Tama na rin siguro yung isang beses lang nagsalita sina Wilma Galvante. Tama lang din na magsalita sila kasi imahe nila ang papanget kung mananatili silang tahimik. Pero huwag naman sana dadating sa point na magiimbento na sila ng maling kwento tungkol kay Angel Locsin. Nagbukas ng maraming pinto sa iba pang aktres sa GMA ang pag-alis ni Angel Locsin.`

ABS-CBN Channel 2 – In fairness sa ABS-CBN, hindi sila ang unang lumapit kay Angel. Pero diba kung yung aktres na nakakatalo sa mga programa mo ang lumapit sa iyo, hindi mo ba siya kukunin? Nagbubunyi sila malamang dahil nasa kanila na si Angel. Pero ang tanong… saan kaya ilulugar si Angel Locsin? Sa GMA ay reyna siya, pero sa ABS-CBN? Nandyan sina Judy Ann at Claudine. Nawa’y umasenso pa si Angel sa ABS-CBN at hindi matulad sa ilang artistang pinirata nila mula sa GMA. At sana, wag nila masyadong i-exaggerate at i-sensationalize ang kwento, tulad nina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito.

Iba pang alaga ni Becky Aguila – Ang iba ay nakikita na sa ABS-CBN ngayon na dating nakikita sa GMA. Nakakatakot dahil maaring madamay ang iba pang alaga ni Becky Aguila. Paano makikipag-usap ang manager nila na si Becky sa GMA? Sabi ng GMA na hindi sila makikipag-usap kay Becky. Maaari namang ilipat ni Becky ang mga alaga niya sa ABS-CBN. Paano yung mga alaga niya na ayaw namang lumipat?

Walang personalan. Ito ay opinyon ko lamang sa isyung ito.

6 Tugon

  1. No Comment! Nakakasawa na ang balitang ito!

    Rowjie’s Response: Sinabi mo pa. Tapos ginagatungan pa ng ABS-CBN ang issue.

  2. si angel locsin na naman? wala lang. nakakatuwa. topak talaga.

    Rowjie’s Response: Haha. Baka si Becky ang may topak! Hehe. :D

  3. talaga naman. ang haba ah. affected… hahaha! uy nakita ko pala ang buong gutierrez family nung magsimba ako sa greenmeadows sa QC. hehe.

    Rowjie’s Response:Wah! Edi nakita mo si Richard? Hehe…

  4. wow ma showbiz ka pala huh

    xiao!

    Rowjie’s Response: Di naman. Haha. Pwede na akong itapat sa The Buzz. Hehe.

  5. Showbiz! :D

    The perfect first project on ABS-CBN: Angel Locsin to do a remake of Krystala. LOL=))

    Rowjie’s Response: Hahaha… Pag lumipat naman si Juday, remake naman ng Darna! Hehe…

  6. Kapuso ka no? Well, Kapamilya ako. Aawayin kita. Haha! Joke..

    Nakakatuwang isipin na mas pinili ni Angel na ma-demote from being a primetime queen to just being a ‘foreign princess’ on ABS-CBN’s primtime.

    If I were Angel, hindi ako tatanggap ng fantaserye from ABS, para ano pa ang paglipat niya kung hindi rin maiimprove ang craft niya, diba?

    On the issue of handling the issue and the media coverage, between GMA and ABS-CBN, ayoko ang ginawa ng GMA. Yung tipong kung sinu-sino ige-guest na medyo malayo ang connect kay Angel para lang may masabi about it. Tsaka kung minsan, leading masyado ang questions ni Pia Guanio.
    At dapat, hindi na nagsalita si Wilma Galvante.

    GMA has every right to be bitter. Pero sana hindi na lang masyado pina-obvious.

    As for Angel, well, kebs. Though pinapanood ko ang mga guestings niya sa ABS lately, curious lang ako. But I still think wala siya sa kalingkinan ng mga Prinsesa ng ABS in terms of acting talent. To think na Reyna na siya ng kabila niyan.. Pero sana, mag-improve siya sa ABS, ala-Anne Curtis.

Mag-iwan ng Tugon