
Message from the owner of Rowjielogy
This is the first time in the history of Rowjielogy when someone had posted a blog entry aside from me. It’s really my pleasure to have something like this. I hope that this is not the last time that this would happen here. I am really open to those who are interested in a “trade post agreement” like this. I want to thank Isagani for this opportunity.
Rowell “Rowjie” Cruz
Owner of Rowjielogy
Blog It!
Mahigit kumulang pitong taon na akong nagbablog. Ibat ibang platform na rin ang nagamit ko. Mayroong blogger, wordpress, livejournal, multiply at iba pang mano manong blog na may masalimuot na instructions para lamang makapag post ng entry.
Sa mundo ng “Blog” nakilala ko ang ilang mga karakter na talaga nga namang masasabing kakaiba. Mayroong halos ipagbandera sa kanilang blog ang kanilang kwento ng pakikipagtalik, pagsasariling sikap, at pamboboso o pagnanasa. Nariyan rin ang mga blog ng mga kanta, liriko (lyrics) at video ng mga copyrighted materials na nagmamaang maangan na sila ay “walang intention na mag infringe” sa karapatang-ari (copyright) ng iba at ang kanilang pino post ay for “educational purposes” lamang. Sinong mambabasa rin ang hindi pa nakakakita ng mga blog naglalaman ng mga “forwarded messages” na dati ay bumabagsak lamang sa email inbox. Idagdag na rin natin ang mga blog ng mga tagasubaybay ng palabas sa telebisyon o sa pinilakang tabing.
Mayroong blogger din na nagawa ng kwento, tumutula, nag proprotesta, bumabatikos, pumupuri at minsan ay nang-iinis, nanglalait, nangmamata. Nariyan sila, at hindi makukumpleto ang mundo ng blogging kapag sila ay nawala. Mula matanda hanggang bata, lahat na halos ng kapanahunan ay nakablog na.
Mayroong blog ng matatanda na minsan hindi na natin maintindihan ang kanilang sinasabi, dahil sa ang kwento nila ay tungkol sa kanilang “era.” Hindi rin nagpapahuli ang mga bata na may edad 10 hanggang 16 na nagbabahagi ng kanilang computer games experience, karanasan sa eskwela, ang mga ka-crush nila at ang mga hinanakit nila sa magulang.
Sa blog ko rin po nakita ang mga salita, tampo, saya, luha, tamis at pait ng mga nagmamahalan. Sinasabi o tinatawag silang “emotera at emotero.” Malaking kawalan marahil sa mundo ng blog ang hindi nila pagbabahagi ng kanilang saloobin.
Ang blogging world din ay nagsisilbing Department of Education, Culture and Sports. Lahat ng iyan ang nasasagap ng mga blog ng ibat ibang tao. Mayroong guro na nagbablog, mayroong estudyanteng nagbablog. Mayroong basketbolistang blogger, at maging ang mga nagpapatintero. Mayroong nagbablog tungkol sa tradisyon at kultura. Lahat lahat na, sinusulat nila.
Sa parehong mundo rin ng blogger nakikitang magkausap sa pamamagitan ng komento ang mga abogado, bumbero, kritiko, manunulat sa peryodiko, tambay, artista at iba pang propesyonal. Sa blog, walang sweldo na kinikilingan. Pero, wag kalimutan na minsan, tampok din ang “sweldo at trabaho” sa paksa ng mga blog. Kahit itanong mo pa sa mga empleyado ng call center.
Nasubukan ko na ring magbasa ng mga blog ng Ilokano, Cebuano, Kapampangan at iba pang wika na halos hindi ko naman maintindihan ang kanilang sinasabi. Parang territorial tuloy ang blog nila. Speaking of territorial merong blog na kailangan mo ng membership, dahil mayroon silang kanila kanilang field.
Hindi ko alam kung nasubukan na ninyong magbasa ng blog ng isang pari, isang layman, madre, obispo at ng iba pang muslim o relihiyon na nagpapanggap na Kristiyano (o, nagsasabing sila lamang ang maliligtas).
Pero kung maliligtas man sila o hindi, wala silang pakialam — yan ang malalaman mo kapag ang tinanong mo ang mga atheist bloggers. Sa kanila walang diyos, pero mayroong blog at hindi sila mangingiwing ibahagi ang kanilang galit o kawalang gana sa ideya ng “Panginoon.”
Tutal nabanggit ko na rin ang salitang Panginoon, hayaan ninyo akong sabihing mayroong mga blog na humihiling na gabayan ng panginoon ang kani-kanilang bayan. Mayroon tayong mga kababayan sa loob at labas ng Pilipinas na nagbablog. Meron sa Dubai, Amerika, Singapore, Canada, at … sa iba pang bahagi ng Mundo, basta may Filipino may “Wowowee!” (sorry out of line!)
Sa huli, isa lamang ang gusto kong sabihin, na ang mga bloggers ay mayroong iba’t ibang paniniwala, edad, kulay, kasarian, katayuan sa buhay, kwento at istilo. Pero sa lahat ng ito, mayroong isang bagay na hindi nawawala sa kanila: Ang pagnanais na makapagbahagi o makapagpahayag.
Nawa sa mga susunod nating mga komento, tula at kwento, sa ating pagbabahagi at pagpapahayag wag nating kalimutan na mayroong nagbabasa. Kahit paano ay may obligasyon tayo bilang blogger na bigyan sila ng consuelo-de-bobo, gawin nating kapakipakinabang ang ilang saglit at minutong iginugol nila sa pagbabasa ng ating mga blog entry.
Besides, tayo rin naman diba, minsan nababagot na magkalkal ng “basura?”
But then again, sabi nga nila, mayroong “yaman” minsan sa ilalim ng basura. Happy gold-digging then.
Until your next check up (now is your opportunity to say something).

Isa rin pong blogger,
Isagani X
***
Ang blog entry na ito ay bahagi ng isang trade-post agreement sa pagitan ni Rowjie at ni Isagani X. Kung nais po ninyong lubusang makilala ang author maari pong bisitahin ang kaniyang blog: Isagani X, medical assistant. Paalala, kasalukuyan po siyang ON LEAVE, pero meron siyang “Administraitor” na nagbabantay at nagpopost ng mga article, so wag kayong mabahala, mayroon magsusupply pa rin ng inyong READING NEED. Maraming salamat po.
Inihanay sa: Guest Blogger










Thank you very much Isagani for this wonderful post.
Lufet! Ang haba ng post na ito, samantalang sa sarili niyang blog, ako bantay. LOL
Rowjie’s Response: Okay lang yan Mr. Caretaker. Hehe.
Maraming salamat din Rowjie. Aabangan ko na lang ang post mo sa blog ko.
Rowjie’s Response: You’re always welcome Mr. Isagani. Hehe. It’s my pleasure to have you here!
Galing! “Trade post agreement”. Hehehe:D
Rowjie’s Response: Oo nga eh. Hehe. First time dito sa Rowjielogy!