Topak #4

p_topak.jpg

Oh well… Wala akong masyadong topak sa katawan ngayon dahil talagang masama ang pakiramdam ko. Pero anyway, para akong buntis na naglilihi ngayon dahil ako ay adik ngayon sa bubble gum. Ako pa naman yung tipo ng tao na ayaw mag-candy. Pero ewan ko kung bakit di ko mapigilan ngayon ang pagkain ng bubble gum. Marahil dahil na rin sa ubo ko. Medyo maginhawa kasi sa pakiramdam pag kumakain ako ng bubble gum na mint. Malamig kasi sa lalamunan. Pero parang OA naman kasi bumili ako noong isang araw ng 25 pellets ng Cool Air, at inubos ko siya sa loob ng 2 araw. Hindi kaya masama ang ginagawa kong ito? Hay naku, nagtanong pa ako, eh halos puro singaw ang bibig ko ngayon. Hay, medyo masakit. Grrrr…

Nakabalik na din ang boss namin kahapon galing sa Canada. Siyempre, hindi ko alam kung anong salubong ang gagawin ko sa kanya. Pero pagdating niya kahapon, ayun, mabuti at nabati at nangitian ko naman siya.

Hay, nababalita nanamang ibabalik sa 7.50 pesos ang pamasahe. Hay naku, wag na po! Mahihirapan lang kayong manukli niyan eh. Hehehe. May butal pa kasi. Eh yung mga jeep nga na Baclaran papuntang Cavite nung binaba ng 7 pesos ang pamasahe, eh hindi naman sila nagbaba ng pamasahe eh. Marami drayber dun ang mapagsamantala eh. Pare-pareho lang naman tayong nagtatrabaho.

4 Tugon

  1. talaga, confirm na ba ang .50 increase?

    ako effective sa akin talaga ang hot calamansi juice, 2 nights lang ng pag inom ng calamansi nawawala na sipon ko at lagnat, try mo :)

  2. nasobrahan ka sa cool air…ayan singaw abot..hehehe

    hala nakakainis naman eh magkano kaya pag estudyante??? magkano kaya discount? o may discount pa kaya???

    sana may pakpak tau noh para lipad na lng tau..nyak corny..

    tx kuya! :P

  3. nasobrahan ka sa cool air…ayan singaw abot..hehehe

    hala nakakainis naman eh magkano kaya pag estudyante??? magkano kaya discount? o may discount pa kaya???

    sana may pakpak tau noh para lipad na lng tau..nyak corny..

    tc kuya! :P

  4. tnx cat sa iyong suggestion. medyo okay na ako ngayon dahil nagpatingin na ako sa doctor. :)

    ingat rin ewan ko! :)

Mag-iwan ng Tugon