Una sa lahat, Hunyo na! Grabe, ang bilis ng araw. Parang hindi ko naramdamang dumaan ang buwan ng Mayo. Siguro dahil sobrang busy ko din kasi dito sa opisina. Hay. Kakapagod.
Ibig sabihin, kapag Hunyo na, pasukan na ng mga estudyante! Hay, trapik nanaman (teka, hindi naman nawala yung trapik noong bakasyon eh!), tapos maulan pa. Pahirapan sa pagcommute noh? Hehe.
Anyway, noong mga nakaraang araw ay dalawang nakakalungkot na balita ang napanood natin sa telebisyon – ang pagpanaw ni Kuya Cesar at ni Yoyoy Villame. Malaki ang naiambag nila sa kani-kanilang industriya. May they rest in peace and sana ay hindi natin sila malimutan.
On a lighter note, kanina ay nabalita ang tungkol sa mga most peaceful countries. Numero uno ang bansang Norway. At ang Pilipinas? Kung hindi ako nagkakamali ay nasa 100th place (or higit pa)! Naku, sana naman sa mga susunod na tao ay umangat tayo ng umangat.
Inihanay sa: Pinoy Po!












he he, nasa gitna pala tau as peaceful country considering there are 194 countries in the world (okay it’s 193 since taiwan is not globally recognized as a country).
pispol pipol naman tau. san kaya nagsusulputan ung mga hinde.
baka sa mindanao( Im not blaming Mindanao, it’s a fact naman). My part talaga sa Mindanao na nakakatakot
uu nga po..pahirapan na sa pagcommute..huwaaaah…haaiz…magduduty pa naman na ako dis july…toinks
hay asa pa maging peaceful ang pinas hehe…well y not…db??hehe