Hello!!! Medyo matagal ako hindi nakapagpost dito sa blog ko dahil ako ay super busy dito sa office. Huhu. Anyway, isisingit ko muna ito sa aking “hectic” schedule.
Ang Baho Ng Usok Mo
Noong mga nakaraang linggo, ay pakiramdam kong medyo mahina ang aking baga kaya naman asar ako kapag nakakalanghap ako ng usok. Kasama dyan ang usok ng mga sasakyan, kaya paminsan minsan ay ayaw ko munang sumakay sa jeep dahil langhap na langhap ko ang usok ng mga sasakyan.
Isa pang asar na asar ako ay sa mga naninigarilyo. Hindi ako against sa mga naninigarilyo, pero nakakaasar lang kapag may nakakalanghap ng binubuga nilang usok. Parang nakakabastos kasi. Minsan nga ay nagpaparinig na ako doon sa mga nakakatabi kong nainigarilyo. Umuubo ako, baka kasi makahalata sila. Pero wala pa rin. Sana isipin naman nila na may ibang nakakalanghap ng usok nila. Ang baho.
Jollibee-lis?!?
Noong Sabado ay dumaan ako sa Jollibee sa may Redemptorist para bumili ng 2 large fries. Medyo naasar ako dahil medyo mabagal sila kumilos. Naging impression na ng Jollibee para sa iba ang mabagal nilang serbisyo. Hindi ako against sa mga nagtatrabaho doon. Actually, I admire them kasi yung iba sa kanila ay working students. What I’m trying to point out is, siyempre, we want din naman Jollibee to do good in the international market. Itong criticism na ito ay constructive. Kaya nga “fast food chain” diba? Inisip ko na lang na since gabi na, eh baka pagod na sila. Siyempre, tao rin naman sila, nakakaramdam din ng pagod.
Eleksyon 2007
Una sa lahat, I want to salute our public teachers for taking a big part in the recent elections. I hope mabigay sa kanila ang tamang benefits for their sacrifices for our country.
Napansin ko lang rin noong mismong araw ng eleksyon ay meron pa ring mga namimigay ng sample ballots sa gate ng eskwelahan kung saan ako bumoto. Hindi ba nila alam at ng mga nag-utos sa kanila na bawal yun? Actually, ang daming nabalitang ganoon sa TV. Hay, ano ba yun? Diba nga sinabi na hanggang noong Sabado lamang ang pangangampanya? Ang tigas ng mga ulo! Nakakaasar pa yung mga papasok ka na nga lang sa presinto, eh sasabihan ka pa kung sino ang iboboto mo. Hello?!? Wag naman nilang gawing tanga ang mga botanteng Pinoy. Pati na rin sa mga namimili ng boto.
Inihanay sa: Topak












hahaha, lahat rant
slow lang rowjie(logy)
pero minsan, naiinis din ako. Hindi pala minsan, most of the time, ngayon na kunting mali lang nila, nasa boiling point kaagad ako
. Hindi naman nila tayo masisisi eh, Im a non-smoker myself, hindi ka nga naninigarilyo bubugahan ka pa nila so minsan umuubo din ako o ako na lang ang gumagawa ng way para hindi mainhale ang usok like magtratransfer ako ng upuan
yeah, me too i always admire teachers. My mom is a teacher kaya witness ko din yung mga ginagawa nila during elections
wow! i salute your mom cat!
Magtaka ka na kung walang nagbibigay ng sample ballot.
It was my second time to vote and also I was part of the media count. Mahirap pero masaya. Bilib talaga ako sa mga teachers that day, maliban lang sa ibang hindi ata nabrief about omnibus election code.