
Akala Ko Ambon…
Noong isang gabi, habang ako ay naglalakad, nakadama ako ng patak ng tubig na tumama sa akin. Napatingin ako sa langit at ako ay medyo naging senti ng mga oras na iyon. Pagkalipas ng ilang minuto, ako ay pabalik na sa bahay. Iniisip ko pa rin ang drama ko nung gabing iyon… “Sa wakas… patak ng ulan ngayong sobrang init ng tag-init…”. Malaman-laman ko na lang na may ale palang naglalaba at ako’y natalsikan lamang ng tubig galing doon. Sira ang drama ko.
Pimple Na Tinubuan Ng Mukha
No! Hindi pa naman ganun ang sitwasyon ko. Mula lang naman nung sumobrang init eh tinigyawat na ang napakaarte kong mukha. Pero salamat sa mga nagkomento sa aking post kahapon para sa mga “words of encouragement” nila. In fairness, umeepek na siya sa akin. Naku, pag ako ay sobrang natuwa sa produktong ito, eh maglalaan ako ng isang post para magbigay ng testimonial. Haha. Nakakainis lang kasi minsan yung ibang tao na nagkaroon ka lang ng konting pimples eh parang makasalanan at nakakadiri ka na. Aba,sino ba naman ang may gusto ng pimple???
I Am A Pichay Fan!
Nope. Hindi ko iboboto si Ginoong Prospero Pichay sa darating na eleksyon. Nakuha lang ang atensyon ko ng pamaypay na nakita ko kagabi. Alam natin na ang slogan niya sa kanyang pangangampanya ay “Pichay, Itanim Sa Senado”. So, pinangatawanan na niyang “pechay” siya. Kagabi naman, ay nakita ko up close and personal ang pamaypay niya na may mukha niya at may background na pechay. Nakalagay ang: “I Am A Pichay Fan”.
Aba… Mayaman!
Medyo nakakatawa na nakakairita ang balitang bumungad sa akin noong isang gabi. Sabi kasi ni Mr. Raul Gonzales na mamimigay siya ng 10,000 pesos sa bawat barangay kung saan mananalo ang lahat ng senator candidates ng Team Unity. Napakaimposible naman yata na mangyari nun kasi aminin na natin, maraming magagaling na nasa Genuine Opposition. Ganun din naman sa Team Unity. Huwag naman nilang gawing bobo ang mga botante. At ito pa ha, ng tinanong siya kung saan niya kukunin ang pera, ang sabi niya ay marami raw siyang pera!!! At hindi pa nagtatapos dyan dahil si Ginoong Chavit Singson naman ay nangako raw ng 50,000 pesos naman sa Nueva Ecija kung makakapasok raw siya Top 5. Mahirap yata yun. Oo, malaki ang nagampanan niya sa Edsa Dos pero hindi nangangahulugan noon na babaliwalain na lang ng mga Pilipino ang mga “katiwalian” niya. Hindi ako kumbinsido sa tawag sa kanyang “Kampeon ng Katotohanan”.
Inihanay sa: Misadventures, Pinoy Po!, Topak










natawa naman ko sa ambon story mo, akala ko talaga umulan kasi parang hindi mainit kagabi.
ang mga politicians naman talaga o, sinabi na bawal ang magbigay ng pera, tigas talaga mga ulo nila, lalo na yung laging nakashades.
sino yung laging nakashades? si chavit ba? haha
nakakaaliw nga si gonzales nung sinabi niya na marami siyang pera hahaha
eh yung mascot ni pichay nakita mo hahaha
epekto lang yun ng dialysis kay raul g. hehe.