Pinoy Po! Ep.2

wb_pinoypo.jpgMabuhay sa lahat ng mga Pinoy dito sa Pilipinas at saan mang sulok ng mundo! Welcome sa ikalawang episode ng Pinoy Po! Sana may sense naman ang ginagawa kong ito. Hehe. Seryoso na po tayo. Isang buwan na lamang at eleksyon na. Kaya nagkalat ng samu’t saring mga posters ng mga kandidato. Sa totoo lang, yung iba ay medyo may pagkaplastik… Hmmm… Sige na nga, plastik talaga. Punong-puno ng mga pangako na hindi naman natutupad. Nagiging visible lang ang ilang kapag eleksyon. Pero kapag nahalal na, nasaan na sila? Nagpapayaman? Hay. Nagpapayaman gamit ang pera ng bayan. Sabi nga ng iba, nakapagtataka dahil hindi naman ganun kalaki ang sinasahod ng isang pulitiko, pero ang daming nauuhaw na magkaroon ng posisyon sa gobyerno. Sige, in fairness naman sa iba, nasa puso talaga nila ang paglilingkod sa bayan. Pero marami din ang mga naliligaw: uhaw sa kapangyarihan at pera. Nakakalungkot pero totoo naman diba?

Kahit manood ka lang sa TV ngayon, eh samu’t saring political campaigns ang makikita mo. Ang plastik ng iba. Sa TV ads lang sila nakakapaglakad sa putik, nakakagala sa palengkem nakakapaglakad kasama ang mahihirap, nakakabisita sa mga kaawa-awang paaralan sa Pilipinas, nakakarinig ng mga hinaing ng tao… Hay. Tama na…

Huwag na sana natin sayangin ang darating na eleksyon. Sa aking pagba-blog trip, rinerekomenda ko na basahin niyo ang mga posts na ito nina Jhed at Elle:
The GO Senatoriables: Haiku Style from Jhed
Know Your Candidates from Elle

5 Responses to Pinoy Po! Ep.2

  1. Cat ay nagsabing:

    ganyan naman talaga ang mga politicians sa Pinas eh. Active lang ang mga politicians kung election na. And they are doing this for themselves hindi para sa mga Pinoy
    Hindi ako sure kung ang pagboto ba natin may significance pa or worth for a certain politician

  2. angelblush ay nagsabing:

    maingay din ang mga kalye… “iboto nyo.. blah blah”…

    so far only two senators made my list. :P

  3. luisa ay nagsabing:

    nabasa ko mga post nila sawa na talaga ako sa usapang pulitika…
    pero sure ako na straight GO ako…well maybe except for legarda hehehe BTW ganyan ka ba ka cute tlaga sa personal o photogenic lang hahaha sama ko I really love looking at ypur pix eh mukhang ka kasing mabait :)

  4. rowjie ay nagsabing:

    hehe. salamat luisa pero ako ay pangit talaga. hehe

  5. jsonv ay nagsabing:

    asus! hehe!pahumble ka pa! uyy kinikilig! hheheheh! woist nilinked na kita! link mo din ako ha!

Mag-iwan ng Tugon

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>