
Halloo halloo halloo! Kamusta mustasa? Welcome po sa unang episode ng Topak! kung saan tanggap ang lahat ng katopakan. Hehe. Ah basta, bato-bato sa langit ang tamaan wag magagalit oki?
Anyway, nanood ako kahapon ng “Ang Pinaka” sa QTV Channel 11 kagabi. Kalat na siya sa mga e-mail pero nakakatawa siya at interesting ang topic nila kagabi. Tungkol ito sa mga tipikal na makikita mo sa pelikulang Pilipino. At ito ang lumabas na Top 10, base sa kanilang mga naimbitahang panelista.
10. Palaging meron ang kinakausap ang sarili o ang isang puntod.
9. Palaging may kasamang mga goons ang kontrabida at nakaitim na leather jacket.
8. Palaging may magkaka-amnesia.
7. Palaging sinasabi ang title ng pelikula, tulad ng… “Bukas, luluhod ang mga tala”.
6. Palaging huli ang dating ng mga pulis.
5. Palaging may nag-aagaw buhay na pero wala man lang tumutulong o dumadating na ambulansya.
4. Palaging may pasalubong na pansit.
3. Sa mga action movies, palaging may mahabang usapan muna bago magbarilan ang bida at kontrabida.
2. Marami pang nasasabi ang mamamatay na.
1. Kapag buntis, palaging maduduwal.
Ayun. Hehe. Actually, kahit sa mga soap operas ngayon eh makikita na ang mga ganyang eksena. Predictable na ika nga.
Inihanay sa: Movies, Pinoy Po!, Television, Topak










Haha! Nakakatuwa naman. Sayang hindi ko napanood.
Natawa ako dun sa “Palaging may pasalubong na pansit.” HAHAHAHAHA. Ngayon ko lang na-realize na palagi ngang may ganung eksena sa Pinoy movies. Lalo na sa mga scenes na mahirap yung pamilya, etc. LOL.
hindi ko napanood. sayang! hahaha!
ang pinakanakakaasar at pinakacommon ata eh yung sa puntod. duh. hehehe.
nice!!
hehehe, natawa ako doon..
may nabasa din ako sa isang blogger about Pinoy Action Films, well actually she made that pero funny din!
too bad, hindi ko nakita to.
anyways, I link you up. Hope you don’t mind.